PROLOGUE

1 1 0
                                    

Alas dos nang madaling araw.
Nakasiksik sa madilim na sulok sa isang kwarto ang isang babae na waring may pinagtataguan.
Magulo ang buhok,malikot ang mga mata at tila may mga sinasabi na sya lang ang nakakaintindi.

Akala mo may kausap pero wala naman syang kasama sa loob.
Andun yung magagalit sya,iiyak at tatawa.

Maya maya tumayo ito at marahang naglakad patungo sa bintana nang kanyang kwarto...
Dahan dahan nitong binuksan ang bintana at sumilip sa labas.
Sumalubong sa kanya ang simoy nang hangin na dumadampi sa kanyang manipis na katawan.
Kung titingnan mo sya parang buto't balat na sa sobrang payat nito.
Bakas sa kanyang mukha ang paghihirap na kanyang nararamdaman...

"Malapit na tayong magkita,mahal ko."bulong nang babae habang dahan dahan syang sumasampa sa barindelya nang bintana.

Nang makasampa na sya sa barindelya ay tumayo muna sya at inunat ang kanyang dalawang kamay.
Ninamnam sa huling sandali ang malamig na hangin na humahaplos sa kanyang mga balat.

Tinanaw nya ang ilalim nang kanyang tinutungtungan.
Mataas ang lugar na kanyang kinaroroonan.
Siguradong konting pagkakamali nya lang ay mahuhulog sya at siguradong wasak ang bungo pag nangyari yun.

Napangiti sya sa naisip.

Blag!!!!
Nagulat ang natutulog na gwardya sa lakas nang tunog na kanyang narinig.
Tumayo ito at hinanap kung ano yung parang nahulog na bagay.

Gamit ang kanyang dalang flash light ay inilawan nya ang posibleng pinanggalingan nang malakas na tunog na narinig nya.

Natakot sya nang may makita syang nagkalat na dugo sa semento...
Kinakabahan man ay pinagpatuloy nya ang pag hahanap sa paligid.
Hanggang sa matamaan nang liwanag ang isang katawan nang babae at sabog ang ulo nito....

Nagsisisigaw nang malakas habang nagtatatakbo nang mabilis ang gwardya sa sobrang takot sa kanyang nakita!

A/N:slow update po,hehe..
Sino kaya ang babaeng yun?


ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon