Pasado alas nuebe na nang gabi nang sya ay umalis sa kanyang pinapasukang trabaho.Isa syang working student.Nag aaral sa umaga at trabaho naman sa gabi.Ganyan na ang kanyang naging buhay simula nang sya ay maging mag-isa sa buhay.
May mga kamag-anak naman sya pero nasa malalayong probinsya.Nahihiya syang pumunta dun kasi hindi naman sila close.Di nya nga alam kung kilala ba sya nang mga kamag anak nya.kaya minabuti nya na lang na mag isang mamuhay.kaya naman nya kahit minsan nahihirapan sya.Bumaba sya nang dyip nang makarating na sya sa kanyang bababaan.May ilang tricycle pa na nakaparada at nag aantay nang pasahero kahit medyo malalim na ang gabi kaya di sya natatakot maglakad pauwi sa kanyang inuupahang tirahan kahit mag-isa nya lang sa dahilang meron pang mga tao.
Nagsimula na syang maglakad pauwi.Bitbit nya ang kanyang gamit sa eskwelahan at mga plastik.Sa isang kamay ay ang isang plastik nang pagkain nya para ngayong gabi at bukas nang umaga at sa isang kamay naman ay ang uniform nya sa pinagtatrabahuhan na kelangan nang labahan para may magamit sya sa susunod na araw.At sa likod nya naman ay ang bag pack nya sa school.
Tahimik lang sya habang nakatutok sa medyo madilim nang daan ang kanyang mga mata.Wala na syang kasabay sa paglalakad.Kanina kasi meron pa,estudyante rin na ginabi nang uwi pero lumiko na sa isang daan kaya sya na lang mag isa ang naglalakad.
Nang medyo malapit na sya sa kanyang tinitirhan napansin nyang medyo lumamig ang hangin.Nag iba ang temperatura at parang napakatahimik bigla.
Napa kunot- noo pa sya nang may mapansin syang babae na nakatayo sa mismong tapat nang tinitirhan nya na waring may hinihintay.
Nakaputi ito at mahaba ang buhok.
Nakatalikod ito sa kanya kaya di nya makilala kung sino ito.Kinakabahan man ay pinagpatuloy nya pa rin ang paglalakad.Hanggang sa mapatapat sya sa babae.
Nakayuko ito.
Parang umiiyak."Miss,ok ka lang?"tanong nya habang pinapakiramdaman nya ang babae.
"Miss,ayos ka lang ba?Bakit ka umiiyak?May masakit ba sayo?".Patuloy nyang usisa dito.
Umiiyak pa rin ang babae.Ni hindi man lang sya tingnan.Parang wala itong pakialam sa paligid kung makaiyak.Nakayuko lang ito.Natatakpan nang mahabang buhok ang mukha nito kaya di nya pa rin makita ang mukha kahit nasa harap nya na ito.
Iniisip nyang umalis na lang at iwan ang umiiyak na babae tutal di naman sya pinapansin nito pero nag aalala sya sa kalagayan nang babae.Baka kung anong mangyari dito.
Nang may marinig syang ingay na paparating ay napatingin sya.
Sa may bandang likod nya nanggagaling ang ingay.Kapit bahay nya palang lasing.Naisip nyang madadaanan sila nito kaya dapat makaalis na sila nang babae sa daan para makaiwas.
Pero pag harap nya kung saan nakatayo ang babae ay wala na ito!
Di man lang nya naramdaman ang pag alis nang babae.Sabi nya sa sarili.Dali-dali syang pumasok sa bahay nya nang makita nyang malapit na ang kapit bahay nyang lasengero.

BINABASA MO ANG
ALONE
HororIsang babaeng pinaglaruan! Isang babaeng nagmahal pero niloko! Isang babaeng di matahimik! At isang babaeng guguluhin ang tahimik mong buhay at susundan ka kahit saan ka magpunta para makuha ang kanyang hinahangad na hustisya! HANDA KA NA BA SA KANY...