ANNA POV.
Pagkatapos kung kumain agad kung iniligpit at hinugasan ang pinakainan ko.
Kakaupo ko palang sa sala ng pumasok si Hoya dala yung mga gamit ko. Kaya tumayo ako at tinulungan siya na bitbitin ang mga gamit ko.
"Ok lang ba kung share tayo ng kwarto the other side of the bed is yours and the other side is mine. At sa closet naman left side is yours. At ganon din sa lalagyan ng sapatos."paliwanag nito sakin at tumango nalang ako dahil alam ko na wala na isa pang kwarto na pwede kung matulogan kaya no choice.
Agad kong inilabas ang mga gamit ko sa maleta at inayos tsaka inilagay sa dapat na lalagyan.
"Ahm kailan ako magsisimula?"tanong ko.
"Kapag magaling na yung sugat mo."sabi nito na hindi tumitingin sakin.
"Ahm. May girlfriend kana ba?"tanong ko. Napatingin naman siya sakin.
"Why are you asking me like that?"masungit nitong sabi.
"Bakit masama ba?" Tanong ko.
"No. Wala akong girlfriend ni isa."sagot nito at padabog na umalis sa harapan ko para pumasok sa kwarto.
Ako naman ay pumunta sa mesa para maglinis ng maramdaman ko na kumirot ang mga sugat ko subalit binaliwala ko ito.
Pagkatapos kung linisin ang kusina ay nagpahinga ako at kinuha ko na rin yung mga damit niya nakailangan kung labhan.
Ilalagay ko na sana ang mga damit sa machine ng lumabas si hoya at nagtatakang tumingin sakin.
"What are you doing?"tanong nito.
"Maglalaba bakit?"inosente kong tanong.
"Hindi mo na kailangan gawin yan may pumumunta rito para labhan yan at baka mabinat ka"nag aalala nitong sabi sakin.
"Ahm saglit lang naman to eh"sagot ko pero tiningna niya lang ako ng masama.
"Saglit tingnan mo nga yung sugat mo dumudugo na."sabi nito kay napatingin naman ako sa mga sugat ko.
Kaya pala kumikirot dahil rin si guro sa paggagalaw ko.
Nagulat ako ng bigla nalang ako nito binuhat kagaya ng bagong kasal.Bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko habang nakatingin ako sa muhka niya na seryuso parin.
Inilapag niya ako sa kama bago sinuri ang mga sugat ko.
"Kukuha lang ako ng first aid huwag kang malikot"sabi nito at agad na pumasok sa banyo para kunin ang first aid kit.
Paglabas nito sa banyo ay agad nitong ginamot ang sugat ko. Ako naman hindi siya mapigilan na titigan. Sino nga ba ang hindi tititig sa Isang Hoya Park. Siguro ako na ang pinakamaswerte na babae dahil araw araw ko nakikita ang tinitingala ng mga kababaehan.
"Magpahinga kana para hindi na dumugo yung sugat mo. At huwag ka munang gagalaw"masungit nitong sabi bago niligbit ang mga ginamit niya. Bago lumabas ng kwarto ako naman ay napatulala sa kisame.
Hinahanap naba ako ni daddy ngayon?. Pero kailangan kung lumayo para sa lahat kahit ang magpanggapa na tomboy para hindi mahalata ng iba. Hanggang kailan ba ako magpapanggap. Habang yung mga kaibigan ko ay nakikipaglaban para sa buhay ko.
Pakiramdam ko ay isa akong pabigat para sa kanila. Nakailangan ko pang magtago para maging ligtas.
Pinahiran ko ang mga luha ko na kanina pa pumapatak. Kaya nakatulog ako.
HOYA POV.:
Pumasok ako sa kwarto habang dala dala ko ang tray na puno ng pagkain para makakain na si Anna.
BINABASA MO ANG
My Runaway Fiance
Romanceisang masungit na lalaki na nakilala ang isang tomboy na babae.