S K Y E ' s
Kakatapos lang ng klase ko at himalang 4 kami natapos. Good mood ata yung terror kong teacher eh hahaha.
"Skye" napalingon naman ako nang tawagin ako ni Justin.
"Po?" Tanong ko sabay bitbit ng mga libro ko.
"Come with me" napakunot muli ang noo ko pero nginitian niya lang ako at hinila ang kamay ko patungo kung saan.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko pero hindi niya naman ako sinagot. Umakyat kami sa maraming hagdan na hindi ko alam kung saan papunta dahil hindi ko naman kabisado itong buong campus.
"Were here" sabi niya sabay bukas niya sa isang pintuan. Pag-bukas niya ng pinto ay napanganga ako sa sobrang ganda. Ito ata ang rooftop ng campus na to.
"Tambayan namin ng buong SB19 'to" napatingin naman ako sa kanya. Naramdaman ko na naman ang tibok ng puso ko nang makita ko ang ngiti niyang nasisinagan ng araw. Ang ganda.
"Tara, upo tayo dun" sabi niya sabay hila ulit sa akin.
"Ang ganda naman dito" sabi ko.
—
T H I R D P E R S O N ' s
"Ang ganda naman dito" manghang sabi ni Skye. Sumilay ulit ang ngiti sa labi ni Justin at napatingin kay Skye.
"Maganda nga" sabi nito habang nakangiti.
Napatingin din si Skye kaya naman nag-tama ang mga mata nila. Parehas na lumakas ang tibok ng puso nilang dalawa.
"Ang iyong kagandaha'y kakaiba
Sa memorya ko'y sariwa.
Mga ngiti mong sabik kong makita
Pagka't ito ang nagbibigay sigla" nakangiting sambit ni Justin habang nakatingin ng diretso sa mata ni Skye.Umiwas na ng tingin si Justin ngunit nanatili ang ngiti sa labi niya.
"Boses mong maganda,
Sa aki'y nakakapang-halina
Sabik kang palaging makita
Pati narin ang marikit mong mga mata""Tila ba'y ako'y baliw
Sa iyong kagandahan
Ganda mo'y nakakaadik
Parang isang magandang bulaklak""Kaya't sana'y ako'y pakinggan
Ang sigaw ng nararamdaman
Hindi ko man masabi sayo,
Ngunit gusto kong maramdaman mo""Maganda ba?" Napanganga si Skye sa narinig na tula mula kay Justin. Hindi niya inaasahang magaling din pala ito sa pag-buo ng tula.
"O-oo" sabi niya pang at tuluyan nang umiwas sa tingin nito.
"Ginawa mo ba yun?" Dagdag na tanong ni Skye.
"Oo" diretso at may pagmamalaking tugon ni Justin.
"Inspired ka siguro 'no?" Napatingin si Justin kay Skye at tumango.
"Hmm. Siguro" nakangiting sabi ni Justin. Nabalot muli ng katahimikan ang paligid kasabay ang malakas na pag-ihip ng malamig na hangin
"Skye.." tawag nito sa pangalan ni Skye. Kinakabahang lumingin ito kay Justin.
"Paano kung maipit ka sa sitwasyong.." tinitignan lang siya ni Skye at hinihintay ang lahat ng sasabihin nito.
"May nagugustuhan kang isang tao pero yung tao na yun ay yung nakapag-dala ng kapahamakan sa pamilya mo. Pero at the same time, naging kaibigan mo siya simula pa lang. Matatanggap mo pa kaya siya?" Napaisip ng sandali si Skye.
"Depende. Pero kung ako, oo naman. Tatanggapin ko siya. May pinagsamahan parin naman kami eh. Saka everyone deserves a second chance naman diba?" Nakangiting tugon ni Skye.
"So matatanggap mo parin ako?" Sa mga oras na yun ay hindi alam ni Justin kung ano bang mararamdaman niya.
"Huh?" Tanong ni Skye. Hindi sumagot si Justin at unti unting bumuo ang luha sa mga mata niya.
"Huy! Bakit ka umiiyak? Hindi naman kita pinapaiyak" natatawang sabi ni Skye.
Tinakpan ni Justin ang tenga ni Skye na ipinagtaka naman niya pero hinayaan niya lang. Sinigurado ni Justin na wala itong naririnig bago mag-salita nang hindi naririnig ni Skye
"Ako yung dahilan kung bakit nalagay sa kapahamakan yung papa mo. Skye, ako yung nang-iwan sayo 5 years ago. Ako yung kaibigan mo noon" para bang tinutusok ng milyon milyong karayom ang puso ni Justin. Lahat ng gusto niyang sabihin ay hindi niya masabi.
"Mahal na kita, Skye. Mahal na mahal kita, simula pa lang" tumulo ang luha mula sa mata niya at saka tinanggap ang pagkakatakip sa tenga niya.
"Anong sabi mo?" Tanong ni Skye.
"Skye... 5 and 4" sabi nito at ngumiti.
"Huh? Anong ibig sabihin nun?" Tanong ni Skye.
"Wala hahaha. Halika na? Baka hinahanap ka na sa inyo" sabi ni Justin sabay pahid ng mga luha niya.
Nanatiling nagtataka si Skye.
Ano bang nangyare sa kanya? Tanong na gumugulo sa kanya.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
❛Noona❜ ┇SB19's Justin✔️
Fanfic[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Noona, ano yung porn?❞ ➳In which Justin de Dios didn't know that the girl he met instantly and the one he was calling 'Noona' is his childhood bestfriend ➤ Justin De Dios x Reader ♡𝐞𝐬𝐛𝐢𝐧𝐢𝐧𝐞𝐭𝐞𝐞𝐧 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1♡ [...