S K Y E ' s
6 pm na pala at nagdire-diretso na yung tulog ko. Arghhh! Sabi ko iidlip lang eh. Si Justin naman kase waaahhhhh!
Speaking of Justin, nilibot ko ang tingin ko sa buong room pero wala na pala akong kasama. Nasan naman kaya yun?
Nagdala ako ng blazer saka isinuot yung dala kong glasses. Wala, pampacute lang sa itsura ko ganun! Hahahaha.
Pagkalabas ko ng room namin ay dumiretso ako sa cottage na sinabi ni Sejun kanina at buti na lang andun sila, pero si Justin at Ken lang yung andun.
"Uy Skye!" Bati sakin ni Ken habang nakangiti. Wow! Ano kayang pinakain ni Elliana dito at namamansin na?
"Kanina ka pa andito?" Tanong ko sa kanya.
"Nope. Si Jah yung kanina pa andito. Kakarating ko lang" sabi niya kaya napatango lang ako.
"Si Elliana?" Tanong ko bigla. Magka-room kase sila eh.
"N-nasa kwarto" sabi niya at umiwas ng tingin. Aba! Nabanggit ko lang si Elliana eh. I think there's something going on. Oha! English yun!
"ABA ABA NAMAN JAH!" Napatingin kami pareho ni Ken nang biglang sumigaw si Sejun kasama si Stell at Josh.
"Shet! Anong nakain mo ngayon bunso? Tamad ka sa ganyan diba?" Pang-aasar ni Josh sa kanya. Nagtawanan naman sila.
"Oo nga! Kanina pa daw siya andito, ayaw nga akong patulungin" sabi pa ni Ken.
"Nako nako, Justin!" natatawang sabi ni Stell. Tinignan ko naman siya at imbis na mainis siya ay nakangiti pa ng pagka-lawak lawak. Sabi sa inyo, from the very beginning, weird talaga yan si Jah.
"Sejunieeeeee!" nagulat naman ako dahil biglang yumakap si Brianna kay Sejun. Jusko, respeto naman sa mga single! PDA masyado!
"Ehem! PDA!" sabi naman ni Elliana. Savior ko talaga 'to si Elliana.
"Anong meron? Bat ang lalakas ng boses niyo?" Tanong ni Brianna habang nakasandal kay Sejun. Haroooot!
"Eh kase naman, love. Tignan mo si Justin, nagluluto siya, love! Kapag nga naga-outing kami taga-kain lang yan" sabi ni Sejun na ikinatawa nilang lahat.
"Hmmm! Sino kaya yung dahilan?" Parinig na sabi ni Reese sabay tingin sakin. Jusko naman!
"Oo nga.. sino kaya?" Sapaw pa ni Desiree. Halos mapapikit naman ako. Bwisit talaga silaaa!
"Kayo talaga, porket nagluto may inspiration agad? Di ba pwedeng sinipag lang?" Sabi niya habang nakangiti at patuloy pa din sa pag-ihaw.
"Sinipag kase andito yung inspirasyon" sabi naman ni Sejun.
"Yieeeeeeeee!" Sabay sabay nilang pang-aasar.
"Ang dami niyong sinabi, kumain na kayo oh! Baka gutom na yan si Josh" Sabi niya sabay abot kay Josh nung ulam na inihaw niya kanina.
"Let's get it on!" Sigaw naman ni Josh. Nauna naman siya sa amin. Basta pagkain talaga eh.
Sabay sabay kaming kumain sa cottage. Medyo malaki naman 'to at wala masyadong gamit kaya kasya kaming lahat.
"Justin, dyan ka na sa tabi ni Skye, tabi kami ni Desiree" sabi ni Stell. Napangiti ako bigla. Minsan gusto ko ng itanong kung ano ba talaga meron sa kanila ni Stell, mukhang nagiging close na sila.
"Uy! Si Skye napangiti!" Sinamaan ko naman ng tingin si Reese dahil paniguradong gagatungan na naman ng iba yan.
"Sige, dito na lang ako" sabi niya at umupo sa tabi ko, as in literal na sa tabi ko at magkadikit kami. Jusko! Bakit parang wala lang yung nangyare kanina? How to be you po?
"Gusto mo nito?" Tanong niya habang hawak yung leg part ng chicken. Favorite part ko pa naman yun huhu.
"Pengeee" kukunin ko na sana pero nilayo niya agad sakin.
"Kiss muna" sabi niya sabay turo sa pisngi niya. Jusko maria namannn! Huhu! Inaasar niya ba ako? Bwisit din talaga 'tong isang 'to eh.
"Ayoko! Grr!" Sabi ko naman.
"Sus, parang di naman tayo nag-kiss kanina" bulong niya pero naririnig ko parin. Uwaaaahhhh! Sabi na eh, nananadya talaga 'to eh!
Tinignan ko yung lalagyan at wala ng natira, naubos lahat ni Josh yung favorite part ko ng Chicken huhu. Pati pala ni Ken kase mahilig siya sa chicken huhu.
Kahit pa maissue ako sa kanya, kung gutom ko naman yung nakasalalay, wala akong choiceee!
Pumikit ako at bumuntong hininga bago mabilis na hinalikan siya sa pisngi.
"Yieeeeeeeeeeeeeeeee!!!!" Mas malakas na tili nila. Nakakahiya sa kabilang cottage huhuuu! Save meeee!
Nakita kong natulala na siya at nagsimulang mamula kaya chance ko na para makuha yung chicken sa kamay niya. BWAHAHAHAHAHAHAHA! I STILL WON!
"Kayo may pa-kiss pa kayo ah. YIEEEEEEE!!!!" Nagwawala na sabi ni Brianna.
"Nagba-blush si Jah oh! Binatang binata na yung bunso namin!" Sabi ni Sejun at kunwaring pumahid ng luha sa mata niya. Pfft.
"Jus-kye is sailing ebribadehhhh!!!" Malakas na sigaw ni Stell. Waaahhhh! Nakakahiya silaaaaa.
Napatingin naman siya sakin at pinipigilan kong lang na matawa dahil namumula na yung mukha niya.
"B-bakit mo naman kase yun ginawa?" Nauutal na sabi niya.
"Sabi mo eh, bat sinisisi mo ko?" Natatawa kong tanong. Pero hindi ko naman akalain yung sagot niya.
"Akala ko naman kase di mo gagawin, seryoso ka pala" nakangiti niyang sabi pero para bang makahulugan. Nakakabaliw na talaga siya!
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
❛Noona❜ ┇SB19's Justin✔️
Fanfic[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Noona, ano yung porn?❞ ➳In which Justin de Dios didn't know that the girl he met instantly and the one he was calling 'Noona' is his childhood bestfriend ➤ Justin De Dios x Reader ♡𝐞𝐬𝐛𝐢𝐧𝐢𝐧𝐞𝐭𝐞𝐞𝐧 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1♡ [...