♡sixty-one

1.9K 91 30
                                    

T H I R D  P E R S O N ' s

Maagang nagising si Justin ngayon dahil kailangan niyang pumunta sa bahay nila Skye para maalagaan ito habang wala ang mama ni Skye.

"Oh? Mukhang good mood ka ah? Bati na ba kayo ni Skye?" Tanong ni Stell sabay lapag ng plato na may lamang hotdogs sa gitna ng table.

"Hindi pa kuya. Pero hindi ako titigil para sa kanya" sabi nito at ngumiti.

"Baka naman masaktan ka dyan, Justin" paalala ni Stell.

"Okay lang kuya. Kasalanan ko naman kung bakit siya galit sa akin ngayon eh. Tatanggapin ko na lang lahat" sabi niya.

"Naiintindihan kita, Jah. Take care of yourself. Andito lang kami pag kailangan mo ng tulong" napa-buntong hininga na lang si Stell at tinawag na sila Sejun para sa umagahan nila.


"Wowww! Hotdogssss!" Masayang sabi ni Sejun at nagmamadaling tumakbo papalapit sa table.

"Puro na lang hotdog. Wala bang chicken?" Reklamo ni Ken

"Wala. Di pa nakakapag-grocery si Josh" sabi naman ni Stell. Bumusangot ang mukha ni Ken at kumain na lang dahil wala din naman siyang choice.

Tumawa lang si Justin at tumayo na din matapos niyang maubos ang kinakain niya.

"Mga kuyas, alis na ako. Dun na lang ako kila Skye matutulog. Wala siyang kasama pag umuwi pa ako" sabi niya lang kila Sejun.

"Oh sige. Ingat ka dun. Alagaan mong mabuti si Skye" sabi ni Josh bago tuluyang makalabas.

Napansin niyang makulimlim ang kalangitan pero naglakad parin siya papunta kila Skye. Naiisip niya kasing ang hassle kung magdadala pa siya ng kotse. Hindi na rin siya nagdala ng payong dahil mags-stay naman siya kila Skye.

Pagdating nito ay nakita niyang halos sarado ang bahay nila Skye at parang walang tao.

"Skye!" Sigaw niya mula sa front gate.

"Skye! Andyan ka ba?!" Sigaw niya muli.

"Skye! Nandito na ako" sigaw niya pa ulit pero walang sumasagot.

Lingid sa kaalaman niya ay patago lang na nakatitig sa kanya si Skye mula sa bintana ng kwarto niya.

"Aishhh! Bakit pumunta pa siya dito?" Inis na sabi ni Skye sa sarili.

Ilang beses ding tumawag si Justin pero ni silip ay hindi nagawa ni Skye. Napaupo na lang ito sa gilid ng gate nila Skye at para bang naghihintay na lang sa wala.

Naririnig niya na din ang malalakas na kulog. Hindi naman siya nagpatinag dahil hindi naman siya ganun ka-takot sa kulog.

Mga ilang oras din ang nakalipas ay naramdaman niya na ang ulan sa katawan niya. Hindi niya na inaanlintana kung mabasa man siya ng ulan pero mas mahalaga si Skye para sa kanya.

"Arghh! Bat hindi na lang siya umuwi? Magpapa-basa pa talaga siya sa ulan!" Para bang may nagsasabi sa kanyang puntahan siya pero naiisip niya parin yung pride niya.

Nagsimula ng ginawin si Justin pero wala pa din siyang pakialam dito. Niyakap niya na lang ang tuhod niya para mabawasan ang lamig na nararamdaman.

"I hate you, Justin de Dios" sabi ni Skye at kinuha agad ang payong na nakapatong sa side table niya at kahit may sakit ay sumugod parin ito sa ulan.

Kahit pala malaki ang kasalanan ni Justin ay hindi niya parin kayang pairalin ang pride niya. She likes Justin kahit na nagsisimula niya itong ideny sa sarili niya.

Nang makalabas ito ay para bang nakaramdam ito ng kirot sa puso niya nang makita niya ang kalagayan ni Justin.

Sa kabilang banda, napansin naman ni Justin na hindi na siya nababasa kaya kusa itong napatingin at halos mapunit ang labi niya sa pag-ngiti nang makita si Skye.

"Pahamak ka talaga eh 'no?" Walang emosyong sabi ni Skye. Tumayo agad si Justin at napatitig sa namumulang mukha ni Skye.

"Sabi na eh, hindi mo talaga ako matitiis" nakangiting pang-aasar nito kay Skye. Inirapan lang siya ni Skye bago hilain papasok sa bahay niya.

"Bakit ba nag-stay ka pa. Alam mong umuulan eh" sumbat ni Skye.

"Wag kang uupo, magpapalit na naman ng sapin sa sofa. Hintayin mo ko dyan" utos ni Skye kaya automatikong napasunod si Justin.

Pumunta agad si Skye sa kwarto ng papa niya at binigyan ng simpleng t-shirt at short na hanggang tuhod si Justin.

"Oh!" Sabi ni Skye sabay abot nito kay Justin. Muling napangiti si Justin at inabot ang damit pero hinawakan nito ang kamay ni Skye na nakaabot sa damit.

Mas lalong namula ang pisngi nito at agad na kinuha ang kamay niya.

"Sa banyo ka mag-bihis. Aakyat na ako" ayaw niya din kaseng mapansin ni Justin na nilalagnat siya.

"Iiwan mo ko?" Tanong ni Justin.

"Matutulog pa ako" sabi niya lang at umiwas ng tingin sa binata.

"Teka lang, Skye!" Pigil nito kay Skye at hinawakan ang braso nito.

"Teka, ang init mo ah? Nilalagnat ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Justin.

"Hindi. Wala kang pakialam" sabi lang nito at muling binawi ang braso sa pagkakahawak ni Justin. Tinignan niyang maglakad palayo si Skye bago magdesisyong magpalit muna ng damit para maasikaso si Skye.

Nang matapos siyang makapag-palit ay nagdesisyon na lang muna siyang mag-luto ng soup para gumaan ang pakiramdam ni Skye.

Kahit hindi niya sabihin, alam niyang masama ang pakiramdam ni Skye simula nung hilain nito ang braso niya. Mabuti na lang at naturuan siya ni Stell nung nagkasakit si Josh noon.

Nilinis ni Justin ang buong bahay nila Skye kaya naman tagaktak ang pawis nito nang bumalik ulit sa kusina para maasikaso ang kakainin at gamot ni Skye.

Napatingin ito sa orasan at 3:00 na pala ng tanghali. Napaka-bilis ng oras, ni-hindi niya  pa masyadong nakakausap si Skye.

Binuhat niya ang tray na may lamang soup at gamot papunta sa kwarto ni Skye. Saktong bukas ito kaya hindi siya nahirapang makapasok.

Nakita niyang tahimik na nagpapahinga at natutulog si Skye. Napangiti siya at dahan dahang inilapag ang tray sa side table nito at umupo sa tapat niya.

He gently touched her forehead at talagang may sakit nga talaga si Skye.

"I missed you. Magpagaling ka kaagad" bulong nito at pasalamat na lang na mahimbing ang tulog ni Skye kaya't hindi ito nagising agad.

TO BE CONTINUED..

❛Noona❜ ┇SB19's Justin✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon