37. Sana ikaw nalang...

94 2 0
                                    

Uwian na. Nauna ng umuwi sina Abby at Kumareng Bessy Maggy. May niresearch pa ako sa library at saka ayoko ring umuwi muna. Sobrang tahimik ro'n at nakakabingi pa. Mas gusto ko ngang pumasok kahit linggo para kahit papano ay maibsan iyong lungkot ko. Kapag nasa bahay lang kase ako, sobrang lungkot at naalala iyong mga masasayang memories na hinding-hindi ko makakalimutan.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Pakiramdam ko ako lang mag-isa. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. Narito ako sa green house, nakaupo. Palubog na iyong araw ngunit narito parin ako. Hindi ako nakaramdam ng kung anomang takot ngayon, mas ramdam ko iyong lungkot. I bury my face in between my knees to stifle my sobs.

Linggo bukas, ang pinaka-ayokong araw sa lahat kase walang pasok. Minsan gagala ako para maaliw ang sarili ngunit kahit anong gawin ko binabalot parin ako ng lungkot ko.

"Hey!" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Hindi ako kumibo nanatili lang akong nakayakap sa mga binti ko. Ayokong makita niyang vulnerable ako.

Naramdaman ko ang pag-upo nito sa tabi ko. "Hindi ka ba natatakot rito?" Anang nito. Bakit ba feeling close ito sa akin? Saka hindi na ba siya nadala sa ginawa ko sakanya no'n.

Kinalma ko muna iyong sarili ko at pasimpling pinunasan ang namamasa kong pisngi. Hindi ko siya nilingon, nakatungo lang ako.

"Bakit ka nandito?" Pilit man ang pagtuwid ko ng boses kaso tumabangi pa yata ang tinig ko.

"You're crying." Anang niya. Napalingon ako sa gawi niya, nakasuot pa siya ng jersey halatang galing practice ang loko.

"Ano naman ngayon sayo?" Nagkibit balikat lang siya at sinulyapan na naman ako nang may mga ngiti sa mga labi.

"Alam mo ba simula no'ng masampal mo ako, natauhan ako sa mga kagaguhan ko." Ngiti-ngiti pa siya habang inaalala iyong sampal ko sakanya, nakahawak siya sa pisngi niya kung saan ko siya nasampal no'n.

"Gago ka kase." I snorted, sinamahan ko pa ng irap.

"Alam ko." Natatawang wika niya. Parang masaya pa siyang tinawag ko siyang gago. "Kaya malaki ang papasalamat ko sa'yo." Mabilis na napalingon ako sa gawi niya at isang malutong na 'huh' ang lumabas sa bibig ko. "Since that day..." tukoy niya sa araw ng pagsampal ko sakanya at pagpapahiya sa madla, "...I told myself that I'm gonna be a better person. I don't know but I see myself in you." Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi niya.

"You see yourself in me? Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti siya pero malungkot iyon. Saka niya pinat iyong ulo ko. "Hey." I dodge. "Hindi ako aso." Asik ko na ikinatawa lang niya.

Okay! Kanina lang malungkot siya tas ngayon ang saya na niya. Iba ang pagkakilala ko kay Ben, sa mga mata ko isa siyang user, heartbreaker, fuckboy at ginamit lang naman niya ang pinakamamahal kong si Sycthe. Pero, ngayon parang may iba siyang side na hindi niya maipakita sa mundo. Iyong lungkot ng mga mata niya, just like mine. May nakatago ro'n pero hindi ko alam. Gaya ko, may tinatago. Tinatago ang lungkot at pilit ngumingiti kahit masakit na. Sobrang sakit. I don't even know how I was able to overcome this miserable life of mine. When I was 12, everyone left me, I have no one to hold on to but then, Maggy came. She became my strength, my happiness, she's all I have. She became the sister I have never have—and a family that I once had.

"Can we be friends?" Muli ay napalingon na naman ako sa gawi niya. Hindi ako umimik. Nanatiling nakakatitig lang ako sakanya. Really? Gusto niya akong maging kaibigan? Baka naman may evil plan siya tapos kapag naging close kami ay gagawin na niya ang revenge niya. No! Wag kang papadala sa inosente niyang mukha, Gummie. "Ang totoo niyan, ayoko sanang lapitan ka. Actually, nakita kitang nag-iisa saka ang lungkot mo. Sinundan kita rito, baka kase magpatiwakal ka. Mahirap na, baka ikaw na naman ang magmumulto sa green house. Tama na iyong isa." Dahil sa narinig, tumaas iyong mga balahibo ko.

The GAY who catches my HEARTWhere stories live. Discover now