14: Pers thing pers

200 5 0
                                    

Pagpasok ko pa lang sa room namin ay nagkagulo na ang mga kablockmates ko.

"Anyare?" Tanong ko sa tahimik kong kaklase. Buti nga'y sumagot, e. Madalas kase panay iling at tango lang ang sagot.

Buti hindi nabaho ang bunga-nga nito. Dejoke. Hehehehe.

"Pass ng project." Iyon lang at yumuko para matulog.

Ganern? Buti ay tapos ko ng gawin 'yon.

"KUMARENG BESSY GUMMIE!" Sigaw ng bestfriend kong nakalunok ata ng megaphone.

Iyong mga ka-block ko ay napahinto sa ginagawa nila bumalik rin naman nang mapansin wala naman palang dalang balita 'tong si kumare ko.

"Hindi ko maniniwala sa sabihin ko." Mayabang nasabi niya.

"Oh? Talaga? Ano ba 'yon?"

"Pers thing pers, okay? Inhale exhale muna. Okay ba?" Ayun nga. Ginawa ko naman 'yong pinapagawa niya. "Ready?" Tumango ako.

Akala ko sasabihin na niya pero impit na nagsisigaw 'to na may kasama pang pagtalon at sinisigaw ang pangalan ko.

"GUMMIE! GUMMIE! GUMMIE! OMG!"

Sinapok ko nga iyong noo niya. Napa aray naman siya. Sinabihan ko siyang ang ingay niya. Humagikhik lang ang loka at pinagpatuloy ang naudlot niyang chika.

"Alam mo ba Gummie?" Umiling ako.

Hay, pano ko malalaman kong ganito siya ka eksayted sa dalang balita niya. Ganyan yan siya. Sa sobramg eksayted hindi na niya masabi 'yong kwento niya o kaya naman aabot pa kayo ng ilang minuto bago niya masabi. Galing no?

"Ano ba kase 'yon Maggy?" Irita na ako.  "Ikaw dapat ang mag-inhale exhale diyan, e."

"Sorna. Mali bang eksyated lang akong sabihin sayo na nakita ko na siya. Alam ko na kung anong kurso niya." At dahil do'n muntik na akong mawalan ng ulirat.

The GAY who catches my HEARTWhere stories live. Discover now