6: Pano mag move on?

346 6 0
                                    

Nandito ako ngayon sa canteen kasama si Mareng Bessy Maggy. Nagsusulat lamang ako r'to.

Wala kase akong ibang magawa. Bukod sa wala akong gana, e, masakit parin 'tong duguan kong puso.

"Gummie, ayaw mo ba niyan?" Tinuro niya iyong lasagna ko na malamig na pala. Hindi pa man ako nakasagot ay kinuha na niya 'to at kinaen.

Maya-maya ay may kinuha 'to sa bag niya at binigay sa akin. "Ito, kainin mo. "

Nagliwanag ang buo kong mukha. Ang paborito ko, pringles original flavor.

"Ganyan. Dapat ganyan." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Ilang araw na kitang napapansin, ni hindi ka na nga ngumingiti, e. Unlike dati na you're so jolly and friendly to everyone but now.... you're different. You're not the Gummie that I know. Wake up, bessy. Makakamove on ka rin." Ito ang exact na sinabi niya.

Sinulat ko pa talaga dahil gusto kong tandaan 'to.

Paano nga ba magmove on? Meron ba kayong idea diyan?

Patulong. I badly need it. Gusto ko ng maranasan sumaya ulit. Iyong hindi peke.

The GAY who catches my HEARTWhere stories live. Discover now