25: Confront

136 3 0
                                    

Nag-iinit ang mukha ko at nangangati ang kamay ko mga bes. Ang sarap sapakin ng mga taong nangungutya sa mga LGBT.

Kanina lang may narinig akong nakakagigil na mga kutya galing sa mga pangit na ulikbak na estudyante. Akala mo namang ke-ganda-ganda. Mabuti nalang talaga kasama ko ang barkada ko kung hindi nasabunutan ko ang mga pangit na 'yon. Feeling perfect. Grrr.

Ganito kase iyan. May magkakaibigan na ang topic ay ang LGBT, e, saktong napadaan kami ng mga friends ko with my kumareng bessy Maggy.

Napahinto ako malamang at tinignan ng masama ang mga babaeng 'yon. Sarap talaga e-nudnod ang mukha niya sa lapag kung hindi lang talaga ako marunong magpigil ng galit. Naku! Naku!

Baka nasa guidance na ako at mabad record ako. Huhuhu.

Ewan ko ba kapag may kinalaman ito kay Scythe ay nagagalit ako agad lalo na sa mga negatives na sinasabi ng iba. Kahit pa sabihin nating hindi si Sycthe ang pinag-uusapan pero kasama parin siya sa pederasyon.

Kada may naririnig akong nangkukutya sakanila, e-koconfront ko ito kaagad at kinakausap ko 'to in a good way.

Ganun ang lagi kong ginagawa. Pasalamat ko nalang isa pa lang ang naka away ko. Juskolord! Ito na ba ang sinasabi nilang masokista?

The GAY who catches my HEARTWhere stories live. Discover now