CHAPTER:25:MASTER
“ Chin-chin bilisan mo ang kapatid mo sinugod sa ospital “ patakbo akong nagpalit agad nang damit,sabado ngayon at walang klase kaya pumasok ako sa work ko sa restaurant nila Lhian
“ saan pong ospital siya sinugod?! “ nanginginig ang boses ko parang gusto ko na ding maiyak. si mimi kasi bigla nalang daw nawalan nang malay kanina habang naglalaro
“ sa st.martin daw!! “ pinasakay ako ni aling tina sa tricycle na inarkila nito. malapit din namin siyang kapitbahay. siya ang sumundo sakin sa restaurant at si aling cecil naman daw ang kasama ni mimi sa ospital
Panay ang dasal kong sana wala namang nangyaring masama sa kapatid ko,panay naman ang alo sakin ni aling tina na maging matatag ako,agad kaming tumakbo para mahanap kung nasaang room si mimi nang makarating kami sa ospital,sinabi naman agad nung nurse kung nasaan ito ngayon
“ aling cecil “ nakaupo ito sa paharap sa kama ni mimi tumayo naman ito nung Makita ako
“ chin-chin!! mabuti at nandito kana “
“ ano pong nangyari?! Bakit po nawalan nang malay si mimi “ hinawakan naman nito ang dalawa kong kamay
“ na dengue siya,sa sobrang taas nang lagnat niya kanina hindi na niya nakayanan kaya hinimatay na siya“ napasapo ako sa ulo ko na dengue ang kapatid ko dahil sa kapabayaan ko
“ ano hong sabi nang doctor?! Ok na ho ba siya?! “
“ sinalinan na siya nang dugo nang doctor kanina mabuti daw at naagapan agad,ang kaso chin-chin malaking pera ang kailangan natin para makabayad sa doctor “ umupo ako sa harapan ni mimi at hinaplos ang mukha nito, kasulukuyan itong natutulog ngayon
“ wag ho kayong mag-alala aling cecil hahanap po ako nang pera “ tumango naman ito at nag-paalam na uuwi muna at babalik din para dalhan ako nang makakain pati na din si mac-mac na nakamasid lang samin
“ salamat po!! “ sumabay na dito si aling tinay, ako nalang at si mac-mac ang naiwan para mabantayan si mimi
halos siksikan sa kwartong pinaglalagyan nang kama ni mimi,sari-saring may sakit ang makikita mo nakaka-awa silang tignan lalo pa nga at ang iba ay halos hindi na makagalaw dahil sa hirap na nararamdaman
huminga ako nang malalim para mapanatag ko ang loob ko,sila nalang ang natitira sa buhay ko. kaya, pag nawala pa sila baka hindi ko makaya at sumunod din ako agad,tinawag ko si mac-mac at pina-upo sa tabi ko niyakap naman ako nito
“ ate..ok lang ba si mimi?! “ ngumiti ako at niyakap ito nang mahigpit
“ oo naman..basta magdasal kalang para sa kanya,ipagdasal mong gumaling na siya agad “
“ promise ate araw-araw akong magdadasal para gumaling si mimi tsyaka kung kailangan mo nang tulong ko nandito lang ako “
“ sapat na sakin na malamang wala ka ding sakit,basta alagaan mo lang yung sarili mo ok?! “
“ pero ate.. narinig kong kailangan mo nang maraming pera para makabayad ka dito “
“ shh!! Huwag mo nang isipin yun..gagawa ako nang paraan para makabayad tayo “
“ tutulungan kita ate,maggagawa ako nang rosary at magtitinda nang sampaguita para matulungan kita“ kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi ako maiyak
BINABASA MO ANG
MY ANGEL SMILE(completed)
Ficção Adolescentesikaping wag maiyak,dahil sa story na ito sisiguraduhin kong,sisipunin kayo.bwahaha.paiiyakin ko kayo nang bongang bongga..joke's..ah basta..ihanda niyo nang panyo niyo dahil talagang iiyak kayo