CHAPTER:26:L.JOE IS MY…WAT?!
Nakakainis si Louie kung makapag-utos siya sakin parang dakilang alalay na talaga niya ako,itinimpla mo’ko nang kape,ibili mo’ko nun,masahiin mo’ko..kulang na lang ata ako pa ang magbihis sa kanya,kundi lang talaga dahil sa utang ko hindi ko siya susundin eh..
Haist!!
Iniisip ko naman ngayon kung anong klaseng candy ang ibibigay ko sakanya pag nagkita kami,adik din pala sa candy yun halos hindi na’ko nakatikim sa candy na binili ko nung isang araw siya na kasi lahat ang umubos
“ sorry miss!! “ natabig ako nung isang estudyante sa school namin dahilan para ikabagsak nang libro kong dala
“ ok lang.. “ tinulungan niya akong imisin yung gamit kong bumagsak pero bigla siyang natigilan nang Makita yung picture namin ni Louie.inipit ko nga pala yun sa isa kong libro nung isang araw
“ panong nangyaring nagka picture ka ni L.JOE at nakangiti pa siya sa picture “ nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya tinignan ko yung picture nitong hawak
“ hindi si L.JOE yan.. “ patawa kong sabi
“ hindi ako maaring magkamali si L.JOE itong kasama mo,tignan mo “ nilabas nito yung picture nito na kasama si L.JOE sa picture mukhang kuha ito sa concert na ginanap sa sacred high
Panong nangyaring magkamukhang magkamukha sila,pero impossible! ang sabi sakin ni Louie hindi naman siya si L.JOE nung nakaraang araw diba!?
“ haha,naku miss..nagkakamali ka hindi siya si L.JOE “
“ HEPPPP!! Anong kaguluhan yan “ mabilis na kinuha ni Anthony yung picture na hawak nung babae na ikinagulat din nito
“ pano ka nagka picture ni L.JOE?! “ pati siya rin ang akala niya si L.JOE at Louie ay iisa!!
“ hindi siya si… “ naputol ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Lhian na nasa tabi kona pala
“ kasi boyfriend niya si L.JOE kaya may picture sila “ gusto ko atang mapabuga na sinabi ni Lhian
“ anong sinasabi mo? “ mabilis akong hinatak nito at nilayo kala Anthony
“ huwag kanang magsalita ako nang bahalang mag explain sa kanila,haha “ lumapit ito ulit kala Anthony at iniwan ako sa isang sulok
“ anong sinasabi mong boyfriend ni chin-chin si L.JOE?! panong nangyari yun?!bakit hindi niyo sinabi sakin?! “ halos magwala na si Anthony bigla namang dumami yung kaninang nakikiusyoso lang sa pag-uusap nila
“ si L.JOE daw boyfriend ni chin-chin?! “
“ panong nangyari yun? Diba nakakatakot lapitan si L.JOE ? “
“ oo nga! Pano niya napa-ibig ang isang gangster?! “ sari-saring salita ang maririnig mo sa paligid,bigla tuloy sumakit ang ulo ko sa kasinungalingang sinabi ni Lhian
“ makinig kayong lahat..si chin-chin at L.JOE ay magkasintahan kaya sa mga nagpapantasya ngayon kay L.JOE sorry nalang kayo girl’s dahil naunahan na kayo ni chin-chin,haha “ halos hindi makapaniwala ang lahat lalong lalo na yung babaeng nakabangga ko kanina
BINABASA MO ANG
MY ANGEL SMILE(completed)
Dla nastolatkówsikaping wag maiyak,dahil sa story na ito sisiguraduhin kong,sisipunin kayo.bwahaha.paiiyakin ko kayo nang bongang bongga..joke's..ah basta..ihanda niyo nang panyo niyo dahil talagang iiyak kayo