CHAPTER:38:MAC-MAC FIRST LOVE
“haha,ang baliw mo talaga..” ang kulit-kulit ni Jb sabuyan ba daw ako nang harina sa mukha,sabuyan ko nga din
“ah.ganun hah?!gantihan,waahh..humanda ka sakin!” napairit naman ako sa ginawa nitong pag kiliti nang pag kiliti sakin
“waaah..Jb tama na!!..” natatawa naman si Mimi saming dalawa na ngayon ay nakikigulo na din samin
“kuya..eto pong sa’yo..” halos maiyak ako sa kakatawa nang sabuyan ito ni Mimi nang harina sa mukha
“ah,..so humanap ka’pa nang kakampi ngayon chin-chin..humanda kayong dalawa..” tawa kami nang tawa ni Mimi habang iniiwasan namin si Jb,pero natigilan din ako nang mapansin kong parang malungkot si Mac-mac na nakatanaw lang sa labas nang bahay
“ouch…” daing ko nang tumama sa ilong ko yung kamay ni Jb na may harina
“hahaha..sorry!!” ngumiti na lamang ako dito at nilapitan si Mac-mac
“Mac..” tawag ko dito na hindi manlang ako nilingon “Mac-mac..” pero hindi na naman ako nito nilingon kaya ang ginawa ko sa pangatlong tawag ko dito ginulat ko na ito
“huwaaa..ate naman!!bakit ka’ba nang-gugulat?!” halata mo ngang gulat na gulat ito sa ginawa ko halos takasan na kasi nang kulay ang mukha
“ang lalim nang iniisip mo ah!may problema ka’ba?!” umiling lang ito at bigla nalang tumayo
“wala po..labas po muna ako nang bahay ok lang po’ba?!”
“ok lang..” at kumaripas na ito nang takbo,hindi manlang ako nito pinatapos nang sasabihin.mukhang may problema ang kapatid ko ah
Inayos ko nalang ulit yung ginagawa ko kanina,hanggang sa sumapit ang hapon hindi pa rin umuuwi si Mac-mac kaya nagpasama na ako kay Jb na hanapin ito.pinagbilin ko naman muna si mimi kay aling cecil dahil ayaw ko na din namang isama ito.
“nung isang araw ko’pa napapansin na parang natutulala ang kapatid mong si Mac-mac..”
“talaga?!” buti pa ito napapansin samantalang ako ni hindi ko manlang napansin,napaka walang kwenta ko namang kapatid
“oo..pag tinatanong ko naman medyo iwas siya kaya hindi ko nalang pinipilit na tanungin ulit kung bakit.”
“hay..pano nalang kung may problema pala siya tapos ayaw niya lang sabihin sakin?..anong gagawin ko Jb ang batang yun pa naman hindi pala sabi nang nararamdaman..”
“shh..mukhang alam ko na kung bakit siya natutulala!” napatingin naman ako sa tinitignan nito
“anong?at bakit siya nagtatago sa puno?!” si mac-mac kasi nagtatago sa may puno habang tinitignan yung isang batang babae na halos kaidaran lang din nito
“ano kaba,halata naman na in love siya sa batang babaeng iyon kaya siya palaging natutulala!!”
“ano?..napaka bata pa niya para ma inlove..” tinakpan naman nito yung bibig ko at hinila ako nito para magkubli din kami sa isang puno
BINABASA MO ANG
MY ANGEL SMILE(completed)
Teen Fictionsikaping wag maiyak,dahil sa story na ito sisiguraduhin kong,sisipunin kayo.bwahaha.paiiyakin ko kayo nang bongang bongga..joke's..ah basta..ihanda niyo nang panyo niyo dahil talagang iiyak kayo