NOTE 3: Akihiro, The Tennis Heart-Throb

29 0 0
                                    

NOTE 3: Akihiro, The Tennis Heart-Throb

“fifteen-love.”

“Whoooaaaah..”

Sobrang dami talagang fans ni Akihiro. Halos mapuno ang napakalaking court dito sa school. I don’t care kung super fan din sila basta ako ang #000 fan nya.

“Aya, ang hot nya grabe!”

Err.. akala ko ba ayaw nya kay Aki my loves ko.

“Hey, akin sya, akala ko ba ayaw mo sa kanya besty? Baket ngayon unti-unti ka na yatang nagiging newbie fan nya?”

“Sinabe ko bang ayaw ko sa kanya? Hindi lang ako talaga naging interesado sa kanya last time.”

“Whoooooh, Ganbatte ne Akihiro!” – Girl 1 *goodluck Akihiro*

“Akihiro, Aishite imasu!” – Girl 2 *love you*

“Bebe, keri lang yan, andito lang jukels for you. Gora ka lang bebe, kaloka!” – Gay 1

“Haaaaaaaaaaaayyyyyy, Papa Aki, jukels ka lang. Gagahasin kita mamaya.” – Gay 2

Hayyy, pati mga bakla patay na patay rin kay Papa Aki.

“Paano ba yan Aya, ang dami mo ng karibal kay Papa Aki. Papakabog ka ba?”

“forty-love”sabi nung umpire kaya nag-sitilian na naman ang mga tao.

“Whooooooooooohhh”

“Whooooaaaaa”

Kahit kelan, ang galing-galing talaga ni Aki sa larangan ng tennis. He’s so husky. Napaka-ganda ng hubog ng katawan nya. Sa pagkakaalam ko, nagmo-model din sya paminsan-minsan. Hay, langit sya, lupa ako. Nasa north pole sya, south pole naman ako. Bahaw ako, sya naman fried rice. Rawr. Ano ba ‘tong mga naiisip ko.

“Ay, kalabaw.”

Sa kaiisip ko ng kung anu-ano, natamaan ako ng bola. Buti na lang ay may mga nakaharang na alambre bilang pader. Kung hindi, malamang, putok na ang nguso ko nito.

“Miss, sorry. Diko sadya.”

“o__O a-aah, wala yun, ok lang. Hindi naman ako natamaan eh. Hehe.”

“Waaaah. Besty, paki-sampal nga ako. Totoo ba yun? Nilapitan ako ni Aki? Waaaah. Ang saya-saya. Kahit may sagabal na alambre, nagkalapit pa rin kame!! Waaaaaaahh.”

*Paaaaaaakkk*

“Ouch!!”

“Magtigil ka nga Aya, lumapit sya kase po para kuhanin lang yung bola hindi para makipaglandian. Ok? Ano ka ba?!”

“Hayy, ang gwapo nya talaga besty. Sana palagi na lang akong matamaan ng bola.” $__$

 “Ok, let’s take a break.” Biglang sabi nung coach nila.

At dahil break pa naman ng mga tennis players, kakain muna kame ni Kiray. Wala naman kase kameng klase ngayon kase Saturday.

Kiray chose to eat in Pizzario de Clemente. Isang sikat na restaurant dito malapit sa school. Dito kame malimit kumain ni bestfriend. Sobra kaseng sarap ng pagkain dito at tsaka ang ga-gwapo pa ng mga waiters dito. Halos lalaki kase ang mga trabahador dun kaya naman paboritong kainan ng mga kababaihan kahit nga mga matatanda na dito rin pumupunta. Eh kase nga, san ka ba naman makakakita ng mga waiters na walang suot na damit. Only pants and apron lang na color blue. Ganyan paminsan ang suot nila pero naka-depende din daw sa theme na napili ng manager for a day.

Minsan bunny theme, minsan naman emo. At ang pinaka-paborito namen ni besty ay yung ala-prince na theme kung saan, they wear a black tuxedo tapos they highlighted their hair na parang mga manga characters ang dating ng aura nila. Masarap ulet-ulitin ang pagpunta at pagkain dito sa pizzario. Ang sarap ng feeling. Pero hindi naman sa ipinagpapalit ko na si Akihiro ko, syempre gusto ko rin ng ibang mukha. Pero pramis! Faithful ako kay papa Akihiro ko.

“Excuse me Señoritas, can I get your order?” Waah, ang hot naman ng waiter na ‘to. Teka, ang cute rin ng name nya. Travis ang name nya. How cute naman.

“Ahm, I like to eat ahm, “Morisqueta Tostada with rice.” Ikaw Aya, ano gusto mo?”

“Ahm, ganun na rin yung saken tapos samahan mo na rin ng strawberry ice cream and one-piece cheese pizza.”

“How about your drinks beautiful ladies?”

“Ahm, apple juice na lang.”

“Besty, pineapple yun saken.”

“And one pineapple juice. Yun lang. Salamat.”

Ang landeee lang namen hah, bwahahaha.. ang macho nila sa sando and beach shorts nila. Matagal pa naman summer pero ganito outfit nila.

<Aki’s POV>

As usual, pinagkakaguluhan na naman ako ng mga kababaihan, ang masama pa dun, pati mga bayot, bading at bakla o kung anu pa mang mga tawag sa kanila.

Malayo-layo na rin ang narating ko, lalo na ang tennis career ko. Wala naman talaga akong balak maging tennis player habangbuhay. Natatandaan ko pa nung bata ako. I was only nine years old nung magsimula akong humawak ng raketa. Si daddy ang naka-influence saken lalo na’t isa syang legendary tennis player nung araw at dito rin sa school ko.

Sobrang higpit nya saken nung mga panahong yun. Ayaw ko kase that time na maglaro kaso palagi nya akong dinadala sa tennis court at tine-train. At hindi ko naman pinagsisisihan na sinunod ko si dad that time lalo na ngayon na naabot ko na ang naabot rin ni daddy. Masarap sa pakiramdam na nakuha mo na ang pangarap mo pero isa pa lang ‘to sa mga gusto.

Hindi ko pa kase nahahanap si Airi.

NOTE TO AKIHIROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon