NOTE 5: KEYCHAIN and KISS

6 0 0
                                    

NOTE 5: KEYCHAIN and KISS

Ano ba yan, kagabe pa akong hindi mapakali. Eh kasi naman, hindi ko alam kung nabasa na ba ni Aki yung sulat ko.

After naming nag-lunch ni Kiray eh naini na kame kahihintay sa resume ng training nila kaya umuwe na lang kame. Pero syempre, hindi ko nakalimutang iwanan yung sulat ko. Walang alam dito si Kiray kaya mag-isa lang akong pumuslit para makapasok sa room nina Aki at pasikreto ko itong inilagay sa locker nya.

“Dear You,

Aki, oo ikaw nga Aki. Totoo bang may girlfriend ka na? Boyfriend? Hahaha. Sana mapasaya ka ng mga sulat ko kahit sa simpleng notedpad lang nakasulat. Baket ba kase ang hot mo. Sobra!! Love na talaga kita. Love kase, whenever I see you, I feel so helpless. Nasu-suffocate ako. For me, love is life’s greatest event, the one thing worth living for.

I hope, this simple letter with make you smile and will make you stress-free.

Love,

Miss A

At inihanda ko na ang second letter ko. This time, kelangan kong siguraduhing mababasa nya yung sulat ko. Dapat makita kong binabasa nya.

Habang inilalagay yung sulat sa blue na sobre, naalala ko yung keychain na binigay saken nung kababata ko. Hindi ko na matandaan yung hitsura nya basta ang natatandaan ko lang eh Hiko yung nickname nya. Ewan ko, basta kababata namen sya ni Kiray. Beya pa nga tawag nya saken eh. Six-years old yata kame nun.

Wala syang ibang kalaro nun at palaging pinagtitripan ng ibang mga bata. May pagka-lampa kase. Kung hindi ako nagkakamali ay may pagkaHapon yung hitsura nya. Hindi sya gaanong nagsasalita siguro dahil nga iba ang lahi at hindi gaanong nagtatagalog at mukhang syang sakitin. Wala na akong masyadong matandaan sa kanya, kung saan sya nanggaling pati na rin yung pamilya nya at lalo na yung mga pinaggagagawa namen nung bata kame. Basta lampa talaga si Hiko at ako ang tagapagtanggol nya sa mga nambubuli sa kanya.

Binigyan nya ako ng ANGEL na keychain. Pagkatapos nun, nawala na lang sya bigla. Hindi ko alam kung nasaang lupalop na sya. Gusto ko sanang ibigay na lang ito kay Aki pero nagda-dalawang-isip ako kase baka isang araw magkita ulet kame ni Hiko.

At dahil sobrang loves ko si Aki, nag-decide ako na ibigay na lang sa kanya. I’m sure naman na iingatan nya yun kahit papano at kahit hindi nya alam kung sinong nagbigay sa kanya. Inilagay ko yung keychain sa sobre at inilagay na sa secret pocket ng bag ko para hindi makita ni Kiray kase naman pakelamera yun ng gamit ko at baka mabuking ako kaya sobrang sealed at safe ang pinagtaguan ko. Speaking of Kiray, hindi ko na alam kung ano oras siya umuwe sa bahay nila after namen magbonding sa kwarto ko.

 <Kiray’s POV>

Ang sakit ng tenga ko. Hindi pa rin nawawala ang sakit ng tenga at paa ko. Eh paano ba naman, sobrang ingay sa court kahapon. Bigla na lang nawala ang kiridang si Aya. Ewan ko ba sang lupalop nagpunta ang babaeng yun. Ni hindi man lang ako sinabihan o isinama.

Sa kahahanap ko kay Aya, napunta ako sa mock hotel ng school at yun, napa-chika sa mga kakilala at kaklase namen. Maya-maya, nakita ko si Aya at animo’y may magandang nangyare kase panay ang ngiti nya. Ano kayang nangyare sa bruhildang iyun? At dahil sa sobrang tagal magsimula ng practice nina Akihiro, umuwe na lang kame sa bahay nina Aya at dun nagkwentuhan, nanuod lang ng anime na “Kaichou wa Maid~sama” at yun, kumain lang ng kumain at napag-usapan din si Akihiro at tsaka yung FRENCH CUISINE.

Ang as usual, mahimbing na nakatulog si Aya at ako naman eh  nag-ayos na para makauwe na kase mag-gagabe na rin nun. habang pababa ako ng stairs, nakasalubong ko si Aeronne at “hinclhaibcdofrjsdfaskhuil” bigla na lang akong natigilan. Yakapin ba naman ako. At nangangamoy alak siya. Amoy BLACK LABEL siya.

Mukhang maraming nainom si Aeronne kaya inalalayan ko siya maglakad at dinala sa kwarto nya.

Grabe, kinikilig ako kahit na lasing lang pala sya kaya nya ako niyakap. Baket naman kaya siya nag-inom ng sobra?

“Risa, baket?  Baket mo ako niloko?”

“Aeronne… ano bang sinasabe mo dyan, hindi ako si Risa. Teka.. “

Ano ba yan, ano kaya nangyare sa kanila ng girlfriend nya? Baket ganito si Aeronne? Ngayon ko lang siya nakitang ganitong kalasing at umiiyak.

“I love you Risa, dito ka lang saken. I don’t want to end up like this, it pisses me off. Makikinig ako sa explanation mo. Alam kong pinilit ka lang niya.”

Huh? Break na sila? Teka, ano ba ang dapat kong maramdaman? Matutuwa ba? Masasaktan ba? Magagalit ba o ano? Anooooooooo?

“Hoy, umayos ka nga. Baket ka umiiyak dyan?” umiiyak si Aeronne. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Baket parang naiiyak na rin ako. Masaya ako kase wala na akong karibal, malungkot kase nakikita ko siyang malungkot, nagagalit din ako dahil sinaktan ni Risa si Aeronne.

“Risa……………”

Bigla na lang ako hinalikan ni Aeronne habang tumutulo ang luha at uhog ko. Baket hindi ako makagalaw? Dapat nasasaktan ako kase si Risa ang laman ng isip niya habang hinahalikan ako. Si Risa ang bukang-bibig nya kahit ako ang nasa harapan nya. Baket ganito?

Sobrang dami ng mga pumapasok sa isip ko kaya naitulak ko na lang bigla si Aeronne at napabagsak sa kama. Nabigla ako nung mga oras na yun.

“Sorry……….”

Tumakbo na ako palabas ng kwarto at nagmadaling umalis sa bahay pagkasabi ko ng sorry habang pinupunasan ang mga luha sa mukha ko. Halos lumobo nga ang sipon ko sa kakaiyak eh. Mixed emotions ang nararamdaman ko. Tuwa kasi siya yung first kiss ko at wala na sila ng girlfriend nya. Lungkot naman kasi hindi nya ako magagawang mahalin dahil si Risa talaga ang laman ng puso at isip nya kahit na ako yung hinahalikan nya kanina, si Risa pa rin ang bukambibig niya.

Nagmadali akong sumakay sa taxi. Hindi ko alam kung uuwi ako o magpapalamig muna.

Sumabay pa sa kadramahan ko ang music sa taxi.

Now playing : Kung ako ba Siya by Khalil Ramos

“Matagal ko nang itinatago

Mga ngiti sa munti kong puso

Batid kong alam mo nang umiibig sa ‘yo.

Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin

Ba’t di mo ramdam ang tibok nitong dibdib

Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin.

Kung ako ba siya, mapapansin mo?

Kung ako ba siya, mamahalin mo?

Ano bang mayro’n siya na wala ako?

Kung ako ba siya, iibigin mo?

Hmmmm….”

I tried to forget what happened pero inuunahan ako ng kilig and at the same time eh yung insecure kay Risa. This unrequited love just plunges my life even further into the depths of hell. So for me, love is nothing but so painful ang anguish.

I think, I have to let go but that doesn’t mean I will give up. I will just move on. I have to grow up for Aeronne. Alam kong malaki ang age gap namen pero that doesn’t mean na wala akong magagawa para sa kanya. Gagawin ko ang lahat. Mamatay man ako. Peksman!

NOTE TO AKIHIROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon