NOTE 6: Unexpected Arrival and the Lovers

80 0 0
                                    

NOTE 6: Unexpected Arrival and the Lovers

"auakilhblaasndiahaxisahjx”

Ang sarap talaga matulog. “anak ng tokwaaaaaaaa… late na ako………”

Nagmadali akong bumangon, nag-toothbrush at naligo. Nakalimutan ko na nga mang-hilod eh. It’s almost 10am na. Patay ako nito kay Sir Jordan. May quiz pa naman din sa Basic Accounting. Lagot na talaga ako.

Kinuha ko ang celphone ko at nag-text kay Kiray at sinabing baka hindi na ako makapasok sa morning subjects ko. Inayos ko ang gamit ko lalo na ang sarili ko. Hindi ako maaaring pumasok ng panget lalo na ngayong magpapa-charming pa ako kay Papa Aki ko.

“Naku, yung letter ko nga pala…”

Kinuha yung bag ko at inayos. Chi-neck ko yung letter na nakatago sa secret pocket at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nakaayos na lahat.

Bago ako bumaba ng hagdan, nakita kong nakabukas ang kwarto ni Kuya Aeronne kaya pumasok ako para maki-chika at makahingi ng baon. Sa kanya kase iniiwan nila Mommy and Dad ang allowances namen. Busy sila sa trabaho kaya hindi na namen sila madalas makasama sa bahay kaya hindi uso samen ang family day. Si Yaya Lukring lang at Yaya Sexy ang kasama namen dito sa bahay.

“Kuyaaaaaaaaa… yoo hooo… ang BAON ko po.”

Nagulantang na lang ako sa nakita ko.

Si kuya… naka-BRIEF lang!!!!!!!!!

“Kuyaaaaaa.. ano ba yang ginagawa mo? Magbihis ka nga!!”

“Nagpa-practice lang ako, mag-o-audition sana ako sa BENCH!!”

Ok!! Nababaliw na ang kuya ko. Ano kayang naisipan niya? Nagpo-project lang naman siya sa salamin. Naka-BRIEF lang siya tapos nakataas ang dalawang braso habang ipinapakita ang abs niya. Naka-eyeliner din siya at sobrang kapal ng oil sa katawan niya. Baliw na si kuya.

“Ano bang meron sa bench kuya?”

“Audition ng mga bagong ‘bench body models’.”

<O__O> -------AKO

(Ö__Ö)7 -------KUYA

“Ok.. eh di ikaw na nga ang maganda ang katawan. Teka kuya, kelan mo ba balak ipakilala samen si Risa?”

“Sinong Risa??----<@___@>7”

Baket ganun na lang ang reaksyon nya sa tanong ko? Teka……….

“Teka kuya, wag mong sabihin na break na kayo???”

“You must have an ESP baby girl.”

“Ano nga kuya? Anong ESP eh halata naman sa reaksyon mo. Magsa-sacrifice na akong hindi umatend ng klase ko basta ikwento mo saken kuya. Hindi ako aalis hangga’t hindi ka nagshe-share at (yung baon ko!!)”

“She broke up with me...”

Natanga lang ako sa kinatatayuan ko habang inaalog ang tenga ko dahil naisip kong mali lang siguro yung narinig ko. Si kuya naman ay patuloy sa pagpo-pause sa ibabaw ng kama at nakatalikod saken. Nababaliw na talaga siya.

“Anoooooo? Kuyaaaaaa.. Baket ka pumayag? Nasisiraan ka na ba talaga? Ano bang ginawa mo sa kanya?”

“M-I-N-A-H-A-L ko lang naman siya…”

NOTE TO AKIHIROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon