1ST SCENE
Narrator: Nagsimula ang lahat sa burol ng isang sundalong muslim. Ang sundalong muslim ay nagngangalang Abdullah. Siya ay may isang asawa't anak. Ang kanyang asawa ay si Rayah samantalang ang anak niya naman ay si Farah.
Rayah: Abdul bakit mo kami iniwan? Hindi ka pa nga namin masyadong nakakasama ng anak mo. Miss na miss ka na wag mo kaming iwan ng ganito. Abdul hindi ka pa patay!!! (Umiiyak)Farah: Ammah gumising na po kayo patawarin niyo po ako sa nagawa ko sa inyo. Ammah gumising na kayo ammah!? (Umiiyak)
Rayah: Tama na anak hindi na natin maiibalik pa ang ammah mo huli na lahat wala na tayong magagawa paFarah: Hindi inah may magagawa pa tayo! Ammah gumising ka na diyan (umiiyak)
Narrator: Makikita ang labis na pagdurusa at kapighatian ng mag ina. Bakas na bakas ang sakit na kanilang nararamdaman. Kahit sino naman ang masasaktan kung ganyan ang mangyayari.
Farah: Inah nahuli na ba yung nakabaril kay ammah?
Rayah: Sa totoo lang anak yung bumaril sa ammah mo ay isang terorista at isa siya sa namatay nung araw na namatay ang ammah mo.
Farah: Ha anong sinasabi mo inah? Ibig sabihin walang mananagot sa pagkamatay ni ammah? Hindi yun pwede pinatay nila ang taong makakasama pa dapat natin kung hindi nila ito pinatay! (Galit)
Rayah: Si Allah na ang bahala sa mga taong gumawa sa atin nito.
2 persons: "ALLAH" Si Allah ang nag iisang diyos ng mga muslim