4TH SCENE (kwarto)
Farah: *malungkot* Lagi na lang wala si ammah mas mahal niya pa yung trabaho niya kaysa sa sarili niyang pamilya. Napapagod na akong maghintay sa kanya araw araw. Bakit kasi ammah pa naging tatay ko pwede namang iba na lang. Kung pwede lang sana na yung tatay ko laging nasa tabi ko. Yung tatay na lagi kong kasama at yung tatay na lagi kong nasasandalan at nasasabihan kapag may problema ako eh kaso hindi ganun yung nangyayari kasi yung tatay ko mas mahal pa yung trabaho kaysa samin na pamilya niya.
//kinabukasan//
Rayah: Farah gumising ka na malelate ka na sa school.
Farah: Inah 5 minutes pa please?Rayah: Gumising ka na wag na matigas ulo magtatangali na oh. Kanina ka pa inaantay ng ammah mo. Kanina pa kita gustong gisingin kaso ayaw naman ng ammah mo na gisingin kita baka daw kasi kulang ka sa tulog.
Farah: (biglang tumayo) Ah ganun po ba inah maaga po pala ang pasok ko ngayon nagmamadali ako pasabi na lang kay ammah na mamayang gabi or bukas na lang po siya tumawag.
Rayah: talaga naman tong batang to
Narrator: Pagkatapos sabihin iyon ni rayah ay agad na naghanda sa pagpasok si farah. Binilisan niyang kumililos upang hindi siya abutan ng kanyang ama.