Eto na nga guys ang kasunod na kabanata ng kwento ng ating mga bida.
NARRATOR
At on the way na nga ang dalawa para maglaro sila ng PS4.
*Moment sa trycicle*
Eido: Ayusin mo pag laro ha? Bawi bawi naman aba!! ( Tinutukoy nya yung NBA games)
Shin: Di naman kase ako naglalaro ng NBA e malay ko ba dyan.. haha maka shoot okay na.
Eido: Weak! HAHA!!!
Shin: Yabang naman neto sa tekken nga medyo nahirapan ka kalabanin ako e, aminin... HAHAHA
Eido: Dito nalang po kuya! Magkano ba?
Shin: (magaabot ng bayad) Eido o..
Eido: Di eto na.. magkano kuya?
Driver: Magkano ba binabayad nyo?
Eido: Pag sinabi kong piso, papayag ka ?
Shin: (Nagulat sa asal) *hinampas sa braso si Eido at nanlaki ang mata nakatingin kay Eido,*
Tsk.. Uy, umayos ka para kang timang.Eido: HAHAHA!! Magkano ka ba kuya? (Biro ng binata)
Shin: Aba tanga ka, mag bayad kana...
Eido: O kuya keep the change, thank you!!!
Nang pumasok na si Shin sa loob ng bahay medyo kinakabahan ito dahil di nya alam kung nandon ba ang magulang ni Eido.
Eido: Upo ka muna dyan. Bibihis lang ako.
Shin: Ge, (napatanong sa sarili) Hmm.. pano kung nandito mommy nya or daddy nya? Myghad kinakabahan ako na natutuwa at the same time. Gusto ko sila mameet. Hmmm....
Eido: (Tinawag yung kapatid) Pinakain mo na ba yung aso?
Zack: Hindi pa, may bisita ka pala.(Nag wave) Hello po.😂
Shin: (Ngumiti) Hello 😊
Eido: (Pumwesto na sa kabilang upuan.) Game na? NBA ba? Game dali pagbibigyan kita.
Shin: Tanggap ko naman tambak ako dyan e 😑
Eido: Try lang ulit, Pag natalo kita may consequences ha..
Shin: Luh...
Nag laro na nga ang Dalawa at ganon pa rin talo pa rin sa NBA si Shin dahil di naman talaga sya nag lalaro kase non haha... Nang biglang..
Shin: Ayoko na! Haha talo ako e
Eido: (Naghahanap ng ibang games) Hmm.. o ano talo ka a..
Shin: (Nakatingin sa mga games na nililipat lipat ni Eido) Wait!!!! Babawi ako!! Di nga lang sa NBA. Tekken nalang. Haha
Eido: mamaya na yun.. Dragon ball nalang muna. Pag natalo mo ko dito wala ng consequence. Okay?
Shin: Sige ba...
At ayun na nga nag umpisa na sila maglaro at walang idea si Eido na naglalaro din ng dragon ball si Shin noon kaya naman sya ay natalo.
Eido: Aba magaling to a!!
(NARRATOR)••••••••••••
Lumipat ng pwesto sa tabi ni Shin sa mahabang sofa at naka higa sila. So ano? Siksikan ganern?
Shin: Ano diba magaling ka dito Sabi mo.. bat di ka makalaban. Hahaha
Eido: Yabang neto a ..
Zack: (Napadaan at saglit na nanood) Ano kuya talo ka pala dyan e, palag palag!! (Sabay takbo)
YOU ARE READING
My Beloved Schoolmate
القصة القصيرةSuitable for 16+ Tagalog Story Kwento ito ng magkakaibigan at dalawang estudyante na nagkainlaban sa isa't isa. Si Shin at Eido ay pareho ng pinapasukang unibersidad. Si Eido ay kaibigan ni Ina na tinuturing kapatid ni Shin. Nakikita nila ang isa't...