Mula sa pagpapaligo, hanggang sa paglilinis pagkatapos magbanyo.
Ganun ang palaging ginagawa ni Fred para sa nobyo. Hindi sya napapagod na gawin yun.
Fred: Malinis ka na! Pwede na tayong mag mall :)
Greg: Mahal! Kumuha na tayo ng caregiver! Para hindi na kita naaabala! Ilang beses mo ng kinakansel mga lakad mo dahil sa pag aasikaso sa akin!
Fred: Gastos lang yun! Yung ipangsu sweldo mo sa caregiver, malaking halaga din yun!
Nararamdaman ni Greg ang totoong pag aalala sa kanya ni Fred.
Gusto nyang mahiya dito pero mas nakakaramdam sya ng awa dahil halos sa kanya na umiikot ang buhay nito.
Fred: Mahal! Malapit na ang pasko! Gusto mo bang magbakasyon tayo sa Bagiuo?
Greg: Mahal, tingnan mo ang sitwasyon ko! Mahihirapan ka lang na asikasuhin ako lalo sa pagbyahe palang!
Fred: Bakit yun ang iniisip mo? Halika nga dito ng mayakap kita! Hindi ako nagrereklamo at magrereklamo na pagsilbihan ka!
Greg: Paano kung dumating yung araw na magsawa ka? Na mapagod ka?
Fred: Hanggat mahal mo ako at mahal kita, at kung may isa mang gustong magpahinga...asahan mong hindi ako yun :)
Doon halos mapaluha si Greg sa sinabi ng kasintahan. Pambihira ang pagmamahal nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Affair
RomanceKung hindi pera ang dahilan, may iba pang bagay ang pinagmumulan ng isyu sa relasyon ng isang matanda at bata. Ang mga dahilan na yun ang ilan sa mga sumusubok sa relasyon ng isang bata sa isang matanda. Nakakaapekto ang mga sasabihin at panghuhusga...