Affair

485 10 0
                                    

Dumadating din sa mga pagkakataon na may depresyon dahil sa kalagayan nya si Greg.

Kapag sinusumpong sya, nagwawala sya at tanging si Fred lamang ang laging naroon para unawain sya.

Fred: Hindi mo na naman kailangan magwala at manira ng mga gamit kapag gusto mo!

Greg: Bakit? Nagsasawa ka na? Naiinis ka na? Ayaw mo na sa akin? Aminin mo nalang na ayaw mo sa inutil na gaya ko! Matanda na, baldado pa!

Fred: Hindi yan totoo! Kapag lagi kang ganyan, lagi mo akong sinusumbatan :'-(

Greg: Eh di umalis ka! Iwan mo nalang ako! Hindi kita kailangan!

Fred: Kung aalis ako, kaya mo na ba? Sino na ang mag aasikaso sayo?

Greg: May pangsusuweldo ako sa caregiver!

Pero mananatili lamang si Fred sa tabi ng nobyo. Kahit nasasaktan nito ang sarili pati sya, hindi nya ito iniiwanan.

Fred: Pero hindi sila magmamalasakit sayo ng totoo!

Greg: Hindi mo na yun problema! Wala naman talagang nagmamalasakit sa akin ng totoo...oo..ikaw...pero nararamdaman ko na napapagod ka na minsan...

Fred: Kung napapagod man ako, yun ay hindi dahil sa ayaw ko na asikasuhin ka! Walang nagmamahal na marunong mapagod!

Kapag nahihimasmasan na ang nobyo, naroon ang mga luha ni Fred. Mahal nya ang nobyo. Sobra. Halos buong buhay niya ay inilaan na niya dito. Mahirap, pero nagmahal siya ng totoo at handa siyang magtiis sa sitwasyon nila.

Yun lang ang dahilan kung bakit sya nagtitiis sa sitwasyon nito. Mahal nya at masaya sya na kasama ito.

AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon