Greg: Fred....im sorry! Sana...
Fred: Ok lang! Magpahinga ka na! Sayang, natapon mo yung binili kong paborito natin!
Greg: Hindi ko sinasadya...
Fred: Ikaw naman! Pwede naman akong magluto ng pancit canton! Tapos magtinapay nalang tayo ha!
Greg: Bakit hindi ka napapagod?
Fred: Na unawain ka? Kasi, kung susuko ako, ayaw ko na maging dahilan yun para lalo kang mawalan ng tiwala sa sarili mo at sa ibang tao na may totoong magmamahal sayo! Sa kabila ng sitwasyon mo :-)
Hindi napigilan ni Greg ang mga luha sa mga mata nga.
Greg: Napaka pambihira mo Fred! Alam mo, ilang beses kitang pinagdudahan! Hindi kita pinagkatiwalaan ng lubos!
Fred: Hindi naman mahalaga kung ano ang iniisip mong masama sa akin! Saka karapatan mo yun! Ang magduda! Ang kilalanin ako ng husto!
Pinagmamasdan ni Greg ang nobyo na abala sa pagdampot ng mga bagay na pinagbabato nya nang sya ay magwala.
Greg: Mahal kita Fred! Sorry ulit ha!
Fred: Mahal din kita Greg!
Pinilit ni Greg na igalaw ang mga binti. Napansin yun ni Fred.
Fred: May masakit ba sayo?
Greg: Tama ka! Kailangan kong tulungan ang sarili ko!
Fred: Pero bakit? Ibig kong sabihin, para saan?
Greg: Gusto ko, pag ikaw naman ang may kailangan, ako ang mag aasikaso sayo! Pag may sakit ka, ako naman ang mag aalaga sayo! Pag may umapi sayo, ipagtatanggol kita!
Biglang napaluha doon si Fred. Totoo na nga. Totoo na mahal niya talaga ang taong ito.
Fred: Ang cute-cute mo talaga!
Greg: Bakit natatawa ka?
Fred: Hindi! Natutuwa ako!
Mga salitang sapat na, para mas lalo nilang maunawaan ang sitwasyon at mahalin pa ang bawat isa.
-end-
IG: chalojado

BINABASA MO ANG
Affair
RomanceKung hindi pera ang dahilan, may iba pang bagay ang pinagmumulan ng isyu sa relasyon ng isang matanda at bata. Ang mga dahilan na yun ang ilan sa mga sumusubok sa relasyon ng isang bata sa isang matanda. Nakakaapekto ang mga sasabihin at panghuhusga...