Maraming sulsol ang mga kaibigang bumibisita kay Greg na sa edad nyang 47 at sa edad ng nobyo na 21, imposible daw na magtiis sa kanya ito.
Bukod sa wala na syang kakayahan maglakad, baka pera lang daw ang habol talaga sa kanya.
Greg: Hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Fred! Kung iisipin pa nga, kayo na mas matagal ko pang mga kaibigan, naaalala lang ako pag may kailangan kayo!
Masaya si Greg kapag naroon ang nobyo. Inaasikaso sya. Inaalagaan.
Hanggang sa pagtulog nya ay pinapaligaya sya nito. Ni minsan ay hindi nya pinagdudahan ang katapatan nito sa kanya.
Pero minsan, kinakausap nya ito sa mga bagay bagay.
Fred: Sanay na ako! Kung doon sila masaya, pabayaan nalang!
Greg: Alam mo, Mahal...sinabi ko na bang ang swerte swerte ko sa pagmamahal mo?!?
Yakap ang tanging sinusukli ni Fred sa mga magagandang bagay na sinasabi sa kanya ng nobyo kapag napag uusapan ang mga isyu sa relasyon nila.

BINABASA MO ANG
Affair
RomanceKung hindi pera ang dahilan, may iba pang bagay ang pinagmumulan ng isyu sa relasyon ng isang matanda at bata. Ang mga dahilan na yun ang ilan sa mga sumusubok sa relasyon ng isang bata sa isang matanda. Nakakaapekto ang mga sasabihin at panghuhusga...