"Mar I'm really sorry sa lahat. Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. I miss you a lot. Please come back to me." Naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa bibig ni Harris.
"Bakit mo ako iniwan kung mahal mo talaga ako?" I asked. "Mar nagkamali ako." Sagot niya habang nakayuko. "Mahal na mahal kita Marithyl." Patuloy pa niya.
I cupped his face and make him look at me. Ito na yung araw na pinaka hinihintay ko. Yung araw na bumalik sa akin si Harris. Yung araw na maipagpapatuloy namin ang aming nasimulan.
"Mahal na mahal din kita Harris." He put his hands on my waist and moved his body closer to mine until were close enough to reach each other's lip...
"Abaaaa Allysa Marithyl Guanzon! Gising naaaa! Ngayon lang ako nakakita ng tulog na nakangiti ha.Kakain na kami ng tanghalian ikaw mag-uumagahan pa lang!" Napabalikwas ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog nang marinig ko ang aking alarm clock este ang pagkalakas lakas na boses ni ate carms.
"Ate kahit kelan talaga di ka na natutong kumatok." Reklamo ko.
"Bakit? Magigising ka ba pag kumatok ako? Eh may pa ngiti ngiti ka ngang nalalaman habang tulog."Kumunot ang noo ko sa sinabi ni ate. Bakit naman ako ngingiti habang tulog?
Nanlaki ang mga mata ko nang muling pumasok sa isip ko yung panaginip ko.
"OH - MY - GOD" isa isang sabi ko at muling humiga."Anong ginagawa mo?" Tanong ni ate.
"Matutulog."
"Anak ng... Ano ba sist? Kaya nga kita ginising eh tapos matutulog ka lang ulit?"
"Eh kasi naman ate eh! Panira moment kaaaa." Sabi ko habang nakasimangot.
"Napanaginipan mo nanaman si Harris no? Naku sist sinasabi ko sayo, kabaliktaran ang nangyayari sa panaginip sa totoong buhay. Kaya tigil-tigilan mo ako at bumangon ka na, hintayin ka namin sa baba." Sabi ni ate at saka bumaba na.Talaga bang kabaliktaran ang nangyayari sa panaginip? Haaayyy, mukhang naniniwala ako pero hindi ako naniniwala hehehe nalito ka no?
Bumangon na ako at nagsimulang ayusin ang higaan ko. Matapos ay tumungo ako sa cr para mag hilamos. Habang pinupunasan ko ang aking mukha ay napatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Unti unti akong namula at ngumiti habang yakap-yakap ko ang face towel ko nang maalala ko ang panaginip ko. Nababaliw na ata ako pero anong magagawa ko? Mahal ko eh hehehe.
Lumabas na ako sa cr at nagpalit na ng t-shit. Naka-ugalian ko kasing matulog nang naka sleeveless tapos magpalit ng mas presentableng damit pagbababa na, malay ko ba baka may bisitang dumating edi maayos akong tignan, malay natin pumunta si Harris dito tsaka mangyayari yung panaginip ko hahahaha ang sarap sa feeling nun.
Pagkatapos kong baliwin ang sarili kong pag-iisip ay bumaba na ako upang sabayan sila sa tanghalian kahit mag-uumagahan pa lang talaga ako. Late na kasi akong nagigising pag weekends. At dahil linggo ngayon, nilubos-lubos ko na 12:09 pa lang naman eh hehehe.
"Goooood morniiiiiing!" Bati ko kay mama, kuya, ate, at sa pamangkin ko and oohhhh nandito pala yung mga best friends ko. Sina chenn at bea.
"Mga maaaaamsh!" Bati ko sa kanilang dalawa. "Hiii maaaar!" Bati rin nila sa akin nang tuluyan akong maka lapit sa kanila.
"Are you ready for later?"tanong ni chenn.
"Ready for what mamsh?" Tanong ko rin.
"Dzuh? You forgot nanaman? Diba nga pupunta tayo sa birthday ni Cyril, classmate natin last year." Chenn.
"Aaahhh oo nga pala hehe. Sige mamsh. Tara kain muna tayo tapos punta tayo sa mall. Bibili ako ng gift, nakalimutan ko kasi talaga eh." Sabi ko habang napakamot sa ulo ko.
"Surrreee mukhang masarap luto ni tita Rese eh." Sabi ni Bea.
"Nakoooo, always Bea. Laging masarap ang luto ni tita hehehehe." Said chenn."Nako tigilan nyo ako mga bagets ha, halina't kumain na tayo nang makapag handa kayo para sa lakad nyo mamaya." Natatawang sabi ni mama.
Natapos na kaming kumain at nagkekwentuhan sa mesa nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. I excused myself to check my phone then stood up.
Nang tignan ko ay new post pala ni Harris yun. Hehehe baka mag taka kayo kung bakit nag notify sa akin, in-add ko kasi siya sa close-friends ko sa fb para mag notify sa akin sa tuwing may bago siyang post hihihi.I clicked the notification bar containing his new update nang bigla akong napangiti ng sobra dahil sa nakita ko. He posted a groufie. Nasa mall siya ngayon kasama mga friends namin dati when we're still together. But now, I'm still friends pa naman sa kanila kahit wala na kami ni Harris. Magkakabalikan naman kami eh hahahaha. Charot charot hehehe.
I told my friends to get themselves ready dahil mag-aayos na ako at aalis na kami. Pag dating ko sa kwarto ay pumili ako ng magandang dress na pwedeng suotin papuntang mall. Gusto kong maganda ako kapag nagkita kami ni Harrison mamaya hihihi sorry medjo ang landi ko hahahaha. I put a little make up then I fixed my hair into a bun. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at saka inaya ang mga kaibigan ko umalis. Nagpaalam na kami kela mama at pinagsabihang mag-ingat.
I drove my car together with Bea who's sitting at the front seat and Chenna at the passenger seat. Kalahating oras ang binyahe namin papunta sa SM Alabang. Well, sa Makati ko sana balak bumili ng gift para kay Cyril but since I saw Harris' post, I decided to go here hahahaha.
"Mar, I thought we're going to shop at Makati? Why are we heading this way?" Bea asked. "Uuhhmmm, I think I know why." Sabi ni Chenna. Kinalabit siya ni Chenna then she showed something in her phone to Bea. "Uuggghhh. Again?" Bea looked at me but I just smiled at her. She rolled her eyes then made a facepalm. "Gustong-gusto mo talagang palagi kang nasasaktan dahil sa lalaking yon." Sermon sa akin ni Bea. Simula nang mag hiwalay kami ni Harris, she hated him so much na. At naiintindihan ko naman ang mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
Moved-on
Teen FictionAraw-araw na umaasa si Marithyl na babalik si Harris sa kanya dahil sa paniniwalang mahal pa rin siya nito. Tinitiis niya lahat ng sakit na nararamdaman sa tuwing harap harapan na siyang binabalewala ni Harris. Pilit siyang gumagawa ng paraan upang...