"Gurl! Ano? Nakipag meet and greet ka lang sa mga kaibigan natin dun and then biglang magmamadali ka na parang a-attend ka sa pres-con?" Naiiritang tanong ni Bea.
Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip kong umalis sa lugar na yon. Naluluha na talaga ako. Pinipigilan ko lang na bumagsak ang luha ko hangga't di pa ako nakakarating sa sasakyan.
Nang makapasok kami sa sasakyan ay hindi ko na napigilan ang luha ko. Iyak ako nang iyak habang nakasubsob ang mukha ko sa manibela. Ilang buwan na ang nakakalipas pero masakit pa rin talaga. Akala ko mababawasan na ang sakit na mararamdaman ko habang parami ng parami ang araw na lumilipas matapos niya akong iwan. Pero hindi, mas lalo ko lang naaalala ang araw na iyon tuwing nakikita ko siya at binabalewala nya lang ako.
Flashback
"Happy birthday to you. Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday, happy birthday to you! Happy birthday Babe!" Bati ko kay Hariss habang nakatayo siya ngayon sa harap ng pinto. Kinuntsaba ko ang mommy at mga kapatid niya para sa surprise ko sa kanya.
"Halika babe, blow your candle tapos ibibigay ko na sayo yung gift ko." Masiglang sabi ko. Nakangiti si Hariss pero may kakaiba akong nararamdaman. Parang hindi masaya si Hariss sa nakikita niya ngayon. Binalewala ko lang ang kilos niya dahil naisip ko na baka pagod lang talaga siya, galing kasi siya sa bahay nila Jason kasi nag laro daw sila ng basketball.
" Hey babe!" Bati niya nang makalapit siya sa akin at hinipan ang kandila.
"Thank you babe! I appreciate this so much"
Sabi niya. Hahalikan ko sana siya nang iiwas niya ang kaniyang ulo at sa halip ay niyakap niya na lang ako.May iba talaga eh
"You're welcome babe! I love you." Sabi ko sa kanya habang nakayap. Hindi siya tumugon sa sinabi ko kaya dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap.
"May problema ba?" Mahinang tanong ko.
"Wala babe" sagot niya habang matamlay na naka-ngiti. "Pagod lang talaga ako." Patuloy pa niya.
Tumango lang ako at saka niyaya siya papunta sa kusina para kumain. Agad naman niya iniwan lahat ng gamit niya sa center table sa sala at nagtungo sa lamesa sa kusina. Susunod na sana ako nang may tumawag sa cellphone ni Hariss. Nagtataka ako dahil "B" lang ang pangalang nakalagay sa caller id. Sasagutin ko sana pero naisip kong privacy ni Hariss ang phone niya kaya kahit gusto kong sagutin ay minabuti ko na munang huwag.
YOU ARE READING
Moved-on
Teen FictionAraw-araw na umaasa si Marithyl na babalik si Harris sa kanya dahil sa paniniwalang mahal pa rin siya nito. Tinitiis niya lahat ng sakit na nararamdaman sa tuwing harap harapan na siyang binabalewala ni Harris. Pilit siyang gumagawa ng paraan upang...