chapter 2

2 0 0
                                    

Finally, nakapasok na kami sa mall here at Alabang. Super excited na akong makita si Haris. Niyaya ko muna sina Chenna and Bea sa isang boutique para mamili ng ireregalo ko kay Cyril. Pumili ako ng tatlong dress na sa tingin ko ay babagay naman sa kanya. Hindi na kasi ako makapag decide ng maayos kung ano ba talaga ang ireregalo ko sa kanya, nagmamadali na kasi akong makita si Haris hihihi.

"Ano na gurl? Okay na ba yang napili mo?" Bea asked.

"Yep, babayaran ko na then let's go to starbucks." Tuwang-tuwang sabi ko.

"Duh? Magco-coffee tayo? Kakakain lang natin sa inyo gurl." Pagtataray ni Bea. Kung mapapansin niyo, palagi akong kinokontra ni Bea pag involve si Haris sa usapan. Galit kasi siya kay Haris dahil sa sakit na dinulot sakin nito.

"Bea please, let me do this. Kusa naman akong titigil eh, pag durog na durog na yung puso ko. Promise, ako na mismo ang lalayo pag naramdaman kong ubos na ubos na ako." Paliwanag ko sa kanya. Alam ko namang mali na eh,pero anong magagawa ko? Mahal ko pa eh.

"Sige, ubusin mo yung pagmamahal na natitira sayo na dapat sa sarili mo nalang at sa ibang taong nandyan para sayo. Ikaw din naman ang iiyak sa huli gurl eh, alam mo namang mahal na mahal ka namin, ayaw na naming nakikita kang umiiyak kasi sayang lang yung luha mo gurl. Trust me, may ibang lalaking para sayo,yung magmamahal talaga sayo. Wag mong hanapin, kasi kusa 'yong darating gurl." Sagot naman ni Bea.

Tama siya, naiisip ko rin naman yan minsan eh. Ang kaso lang naiisip ko rin na si Haris ang para sa akin. Siguro darating din yung araw na susuko ako. O baka nga dumating yung para sakin tapos sagipin niya ako mula sa sakit na pwede kong maramdaman. Ah basta, hanggat mahal ko, ipaglalaban ko.

Ngumit ako at nagsalita "Alam kong nandyan lang kayo palagi sa tabi ko."

"Tara na sa Starbucks! Ano ba yan. Tara na't mag kape hahahaha." Si Chenna.

Naglalakad kami papuntang Starbucks nang matanaw ko sina Harris sa loob ng coffee shop. Napingiti ako dahil nakita ko siyang tumatawa at masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay masaya kaming binati ng mga kaibigan namin.

"Heyyy Mar! Nandito pala kayo. C'mon! Join us." Masayang paanyaya ni Jason.

"Yeah, sure. Hi everyone!" Masayng bati ko rin sa kanilang lahat. Napatingin ako kay Haris at nakatingin din siya sa akin.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nandito

Ngumiti ako sa kanya at sinuklian din niya ako ng ngiti. Sobrang lakas na talaga ng tibok ng puso ko kahit maliit na bagay lang naman ang nagawa niya.

Mas lalong nagkarera ang mga kabayo sa dibdib ko nang tumayo si Haris at nag lakad papalapit sa akin. Hindi ko na nagawang kumurap dahil naistatwa ako sa kinatatayuan ko habang lumalapit siya. Hindi siya nakangiti pero hndi rin naman siya nakasimangot habang ako naman ay parang mapupunit na ang labi sa kangingisi.

"Ha-Hariss" sambit ko nang tuluyan siyang makarating sa harap ko.

Moved-onWhere stories live. Discover now