Chapter 5

710 16 1
                                    

Inulit ko lang guys. Dami kasi typos. Sorry. :))

Happy Reading! :) VOTE VOTE VOTE!  :))

--

FAST FORWARD ....

[ARA’S POV]

Kriing .. Kriing .. Kriing ..

Ang ingay! Inaantok pa ko ano ba yan. Umikot ikot ako at kinakapa-kapa ang cellphone ko para i-off ang alarm. Yon, finally. 10 mins. pa.

zzZZ

“Bebe girl, bebe boy gising na uy!” yugyog sakin ni Kuya. “Ano ba kuya ang aga aga pa eh.” hampas ko sa kamay niya. “Oo nga bebe girl ang aga pa nga ano? 8am na at sa pagkakaalam ko lang naman ay 9am ang meeting mo sa DLSU.” tuloy-tuloy niyang sabi.

Nanlaki naman ang mata ko at agad na napatayo sa sinabi ni Kuya. “Ano ba naman yan kuya! Bakit hindi mo man lang ako ginising! Late na ko oh!” sabay tayo at kinuha na at pumasok sa banyo. “Wow ha?! Hiyang hiya naman kami ng alarm clock mo sayo! Ano bang inaatupag mo kagabi’t napuyat ka ha?!” sigaw niya sakin. “Hay nako! Wala yon sige na umallis ka na susunod nalang ako pagtapos ko.” sigaw ko mula sa banyo.

Binilisan ko na ang pag-aayos at agad na bumaba sa dining table. “Ano ba Ara! Hinay hinay nga sa pagkain!” pagsaway sakin ni Mama. Ang bilis ko kasing kumain dahil anong oras na’t babyahe pa. Nandito si Mama at Kuya sa apartment na inuupahan namin sa taft, para malapit sa pinapasukan ni Kuya. Tapos na ko kaya tumakbo na ko palabas. “Bye Ma! Ingat kayo pauwi mamaya! Diretso nalang akong Pampanga mamaya.” pasigaw kong paalam kay Mama alam niya na yun.

“Okay sige! Mag-ingat kayo!” pabalik niyang sagot. Sumakay na agad ako ng jeep papuntang DLSU. Siguro mga 20 minutes lang at nandito na ko. Razon, Razon, shete ang laki naman kasi dito. “Kuya, saan po yung Enrique Razon Sports Complex?” tanong ko sa guard. “Ah dun sa likod ng Andrew Hall.” sabi niya sabay turo. “Ah maraming salamat po.” sabi ko kay manong guard.

Naglalakad  na ko at yun! Nakita ko na! “Ahmm, ate saan po yung meeting ng Volleyball Team?” tanong ko sa ateng nagbabantay sa entrance. “Sa 5th floor po mam. Paiwan nalang po ng ID.” binigay ko na ang ID saka sumakay ng elevator. Sorry tamad ako eh. Hahaha.

G.. 1.. 2.. 3.. 4.. Tingg!

Agad akong lumabas at pinuntahan ang room. Andito na ko at nasilip kong mukang nagsasalita na ang Head Coach. Takte nakakahiya naman kung gradn entrance ako. “Oh Miss Galang, nandito ka na pala. Akala ko nag-back out ka na eh.” pinat niya ko sa balikat saka iginiya papasok ng room.

“Oh Ramil, nandito na yung bata ko. Si Galang yung Team Captain ng AUF.” magiliw na pagpapakilala sakin ni Coach Noel. “Goodmorning po, sorry I’m late. Nice to meet you po.” pakumbaba ko namang bati ko naman sa kanila. “Okay you may take your seat.” saka ako umupo katabi ng, wait eto yata yung player ng Hope ah? Kaso nakalimutan ko na yung surname niya.

“Okay girls, mukhang di pa rin tayo kumpleto pero sa tingin ko hindi niya pinili ang school na ’to para maglaro.” into ni coach. Nagtaka namin kami dahil wala kaming idea kung sino ang tinutukoy niya, ngayon ko lang din napansin na lima lang kamiimbis na anim. “Bale ganito ang magiging sistema natin, you will be having a 100% scholarship any course you want, we have a dormitory for all of the athletes and you are required to stay there. It is also mandatory to have a short hair to be able to play.” pagpapaliwanag ni Coach.

I Swear This Time I Mean It (Mika Reyes-Ara Galang Fan Fic)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant