Chapter 3

716 17 4
                                    

Thanks sa positive comments. :) Here’s the chapter 3. Happy reading!

Don’t forget to click VOTE VOTE VOTE. :)

Sorry sa typos and Thank you! :)

--

[ARA’S POV]

Yeah! Panalo kami. Thanks God at may maiiwang legacy ang mga athlete na graduating na this year. Sobrang saya talaga namin kaya naman nagyaya ‘tong coach namin na magcelebrate kami. Palabas na kami ng dug-out ng bigla akong tawagin ni Coach.

“Ara! Pumunta ka muna sa faculty sa 3rd floor, may kakausap sayo dun.” sabi ni coach. “Hintayin ka namin sa bus within 30 minutes okay?” dagdag pa niya. Tumango naman ako at agad na tumakbo papuntang faculty.

“Goodafternoon po, pinapunta po ako ng coach ko dito.” bati ko sa kanila pagpasok ko. May lalaking matangkad naman na tumayo at iginiya ako papasok sa isa pang room. Parang meeting room ito.

“Hello Ms. Galang right? Yung team captain ng AUF?” tanong ng lalaki sakin. Tumango naman ako bilang sagot. “By the way, I am Noel. Assistant Coach ng DLSU Lady Spikers, bibigyan sana kita ng offer na maglaro sa team namin this upcoming UAAP season 74. Marami naman kaming benefits na ibinibigay sa mga athlete na siguradong makakatulong until you finish all your terms in college.” ngiting alok sakin ni Coach Noel.

O.O ako

Grabe sobrang hindi ako makapaniwala na nag-offer na sakin ang pinakahihintay ko. Sobrang nagulat ako at hindi nakapagreact agad. “Ano Ms. Galang? There will a meeting on tuesday next week. Dun namin ieexplain lahat ng benefits ng scholarship. Sana makapunta ka. Alam naming hindi lang kami ang nag-ooffer but we hope that you’ll make your decision.”

Tama si Coach Noel, hindi lang talaga sila ang nag-aalok sakin, hindi naman sa pagmamayabang pero sa totoo lang kinausap din ako ng head coach ng Ateneo at UST samantalang pinadalhan naman ako ng email ng FEU. Di ko alam pero bigla nalang “Opo coach pupunta po ako, asahan niyo. Maraming maraming salamat po talaga.” nag-bow naman ako bilang pasasalamat. “Sige sige, wag ka mawawala ah? Marami ka namang kasabay bale may lima pa kaming binigyan ng offer kaso hindi ko alam kung gusto ba nila’t kung pupunta sila.” pat sa balikat ko ni coach. “Sige mauuna na ko, see you on tuesday.” dagdag pa ni coach saka tumayo’t umalis.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi na ko nagdalawang isip. Pangarap ko talaga sa DLSU, nandun yung idol ko si Miss Everything Cha Cruz. Huhuhu. Magiging teammate ko siya. <3 Napatingin naman ako sa phone at “Oh shoot!” napasinghal nalang ako dahil lagpas na ang thirty minutes. Patay talaga. Takbo dito, takbo doon. Nagtetext ako habang tumatakbo dahil baka maiwan ako hanggang sa..

BOOOGGSSSHHH

[MIKA’S POV]

“Aww shete.” napasinghal ako at nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko kung sino ang nakabangga ko. Kilala ko ‘tong kaharap ko ngayon. Kilalang kilala. Tss. Ano na namang kailangan nito? Sinabi ko na ngang ayaw ko mukhang ipipilit na naman.

“Anong tinitingin-tingin mo? Tumayo ka dyan.” utos sakin nito, sumunod nalang ako. Kahit malaki ang atraso nito samin marunong pa rin ako rumespeto. KAHIT PAPANO. “Ano na naman po bang kailangan niyo sakin?” pabalang kong tanong sa kanya.

“Para namang hindi mo alam eh. Maglaro ka na kasi sa DLSU. Subukan mo lang kahit 1 year lang baka sakaling ma-fall ka sa team ko’t hindi na umalis diba?” he smirked. Ang lakas ng kumpiyansa sa team niya eh. “Coach Ramil naman, sinabi ko na sayo nung una palang diba? Sa Ateneo ako maglalaro. Wala akong planong sumali o ma-fall whatsoever sa team mo okay?” sagot ko naman sa kanya. Nakakainis. Paulit-ulit nalang ‘to eh. Last year pa ‘to. Kung hindi lang mas matanda sakin ‘to nako.

I Swear This Time I Mean It (Mika Reyes-Ara Galang Fan Fic)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin