Chapter 11

610 18 2
                                    

Sorry for super late update! Happy reading. Vote vote din. Hehe.

--

[MIKA’S POV]

Sociology class. Eto na yata ang pinakaboring na subject ko this term. Magaling naman magturo yung prof kaso nakakaantok talaga. Bukod sa puyat na nga ako eh yung way pa ng pagtuturo niya eh parang pang-yoga session. Lumabas na ko ng classroom at pumuntang library, naghanap ng magandang pwestong tutulugan. 2 hours lang kasi tulog ko dahil nga tinapos ko pa homework ni Vic.

Oo you heard it right, ni Vic. As in Victonara Salas Galang. Siguro nagtataka ang karamihan kung paano ako napuntang DLSU.

==FLASHBACK==

(The time na nalate si Mika at pinag-jog ng 30 rounds.)

Pagkatapos ng training namin ay sabay na rin kaming lumabas ng gym ni Marge. Pumunta kaming Jollibee dahil pinasunod kami nila Ate Fille.

“Oh bakit ang tagal niyo? Mukang naglabing labing pa kayo ah?” pang-aasar ni Ate Fille. Pagtingin ko naman kay Marge ay nag-blush ito. Di ko nalang pinansin.

Umupo na kami at sinabayan sina Ate Dzi at Ate Jem. Ako na rin ang umorder ng pagkain namin. Pabalik na kami ng dorm ngayon dahil sobrang pagod na kaming lahat. Pano pa ko diba? 30 rounds kang mag-jogging whole court gaganahan ka ba?

Kinabukasan ay ganun pa rin ang routine namin. Trainings then classes. Minsan gagawa din ng projects. Dismissed na ang klase namin ng madatnan ko si Marge sa labas ng classroom namin, may hawak pang bulaklak. Iniabot naman niya ‘to sakin.

“Hey para saan ‘to?” pagtataka kong tanong sa kanya. “Hmmm, wala lang. Is there anything wrong if I will give you flowers?” nakangiti namang tugon nito. “It’s not like that but anyway, oh san tayo magla-lunch?” tanong ko sa kanya sabay hinila niya ko. Nagpahila nalang ako.

2 more classes at matatapos na ang araw na ‘to. Hinatid naman ako ni Marge sa classroom ko. “Hey Mika, gonna fetch you here later after your class okay? Wait for me.” bilin niya sakin. Tumango lang ako bilang sagot at tumalikod na.

“Mika!” narinig kong tinawag niya ko kaya napalingon ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya dahil hinalikan niya ko sa cheeks. Wtf! She’s acting weird. “Ano ba?! Why did you do that?!” imbis na sagutin niya ko ay kinindatan niya lang ako at tumakbo na siya papalayo. Urgghhh! The nerves!

.

.

.

.

.

.

.

Class dismissed. Nagbilin lang ng kung anu-anong gawain ang prof namin saka umalis na. Nakapag-coordinate muna ko saglit sa mga groupmates ko kung anong gagawin sa project.

Paglabas ko naman ay nadatnan ko na si Marge sa labas ng room ko at may dala na namang bulaklak. Jusko ano bang trip ng babaeng to?

“Where are we heading?” tanong ko sa kanya pagsakay namin sa kotse niya. “Basta dyan lang, wag ka nga matanong.” sabi naman niya sabay ngiti. So weird. After ng mga 45 minutes ay dumating na kami sa MOA.

Napadpad kami sa isang fine dining restaurant. Di ko na nakita kung anong pangalan ng restau dahil sobrang excited siyang papasukin ako sa loob.

“Wait up! Bakit dalawa lang tayo dito?” tanong ko sa kanya. Teka don’t tell me.. “Ahh pinareserve ko kasi to para talaga sating dalawa.” naalangang sabi niya. Nagulat naman ako dahil para san at kailangan pa ng ganito?

I Swear This Time I Mean It (Mika Reyes-Ara Galang Fan Fic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang