24. World war N

268K 7K 885
                                    

Maaga akong umalis sa bahay noon. Ako na mismo ang naghatid kay Artie sa eskwalahan niya para makausap ang ma teachers niya. Sinabi ko ang tungkol kay Nita. Malakas talaga ang kutob ko na si Nita nga ang nagpunta doon para silipin si Artie. Itinanong ko sa kanya kung ano ang ginawa ni Nita - ang sabi lang ng anak ko ay sinilip lang daw siya pagkatapos ay umalis na. She knew already that the woman who looked at her wasn't me. Naiisip ko na sana ganoon din ang mga teachers niya. Disadvantage talaga ang pagkakaroon ng kakambal. Matapos kong magbilin sa mga teachers niya ay umalis na ako; Dumiretso ako sa bahay. Kung tama ang hinala ko na kababalik lang ni Nita sigurado ako na si Nanay ang pupuntahan niya. Sigurado ako na nasa bahay na siya ngayon. 

Nang dumating ako doon ay tahimik pa ang buong kabahayan. Kinuha ko sa bag ko ang susi at nagtuloy na ako. Nauna akong nagpunta sa kusina. Walang kakaibang nangyayari doon kahit na sa hapag - wala pa ring handang pagkain. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pinuntahan ko si Nanay sa silid niya pero kahit doon ay wala si Nanay. Lumabas ako ng silid niya at tumayo sa sala. Nakapamaywang ako at nag-iisip kung nasaan si Nanay. Martes ngayon. Hindi naman siya nagsisimba kapag Martes. Kung sa palengke naman siya nagpunta ay masyado pang maaga. Kung sabagay, paminsan-minsan ay maaga siyang nagpupunta ng palengke lalo na kapag isda ang gusto niyang lutuin sa pananghalian. 

Habang nakatayo ako doon ay may naulinigan akong boses. Napabuntong hininga ako nang makilala ko si Nanay. Bumukas ang pinto. Humarap ako. Nakita ko si Nanay na may hawak na basket pero hindi siya nag-iisa. I have that feeling again - the feeling that I feel whenever I'm looking at the mirror - but my reflection is different because the other version of me has brown hair, thick liquid eyeliner and a very red lisptick. Kulot-kulot na rin ang buhok niya. She was wearing a white sando and gray shorts. Naka-sadals lang siya. Mukha siyang bagong gising sa itsura niyang iyon. Napatiim ang bagang ko. 

Walang abog na sinugod ko siya. 

Una kong hinablot ang buhok niya. Kinadalkad ko si Nita pababa ng hagdan ng bahay. Umaaray siya pero hindi ko siya binibitiwan. Nag-init talaga ang buong katawan ko dahil lang sa pagkikita namin. I hated her. I hate her with all that I have. I want to kill her with my bare hands. I wanna murder my own sister for everthing that she had done to me.

Anong karapatan niyang bumalik? Noong iniiwan niya si Artie sa akin ay nawalan na siya ng karapatan. 

"Eternity bitiwan mo ako?!" Nagpupumiglas na sigaw niya. Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya. Binitiwan ko siya at isinadlak siya sa lupa. "What the hell is wrong with you, Nina?! Aren't you even happy to see me?" Naiinis na wika niya sa akin. Ngumisi ako at sinabunutan na naman siya. Mahigpit. Naramdaman ko si Nanay na hinawakan ako sa braso. Hindi naman ako nagpapapigil. Gusto kong kalmutin si Nita sa mukha kaya ginawa ko. Nakakaramdam talaga ako ng panggigil sa kanya. Gusto siya masaktan nang lubusan. Iyong maoospital siya dahil sa injury. Tapos aalis na lang siya dahil sa ayaw na niyang masaktan muli.

Kinalmot ko si Nita sa mukha pababa sa leeg. Naiiyak ako sa sobrang galit sa kanya. How dare she show her face?! Ang kapal ng mukha niya! May gana pa siyang magpakita kay Artie! Pinuntahan niya pa si Artie sa school! Anong susunod niya gagawin?! Pupuntahan niya si Hermes?

"Puta ka!" Sigaw ko! "Puta ka, Nita! Ang kapal ng mukha mong bumalik dito! Matapos mong sirain ang buhay ko pati na rin ang buhay ng anak ko?!" 

"Ano?" Tumayo siya. Nahatak ako ni Nanay palayo sa kanya. "Anak mo? O baka naman anak ko. Nagka-amnesia ka na ba? Kailan ka nanganak?" 

Nakabitaw ako kay Nanay. Sinugod ko agad si Serenity at saka binigyan ng mag-asawang sampal. 

"Mula nang iwan mo sa akin si Artemis nawalan ka na nang karapatan, Serenity! Akin si Artie! Wala kang babalikan?!"

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon