28. Miracles

268K 6.9K 827
                                    

“Boss, nakita na namin siya. Nasa Varres Medical City, si Higgins.”

Mabilis kong ibinaba ang telepono at agad akong sumakay sa kotse ko. I told the driver to drive as fast as he could. Kailangan kong makaharap kaagad si Higgins, hindi ako magpipigil. Sisiguraduhin kong magtatagal siya sa Varres Medical City. I’ll make sure that he’ll know here he belongs – and that is in the past.

Kuyom ang mga palad ko habang nakaupo sa likod ng kotse. Pinakikiramdaman ko ang binti ko. Kung kaya ko na bang maglakad nang walang tungkod dahil sa ngayon ay hindi ko iyon kailangan. I need to fight Higgins. I need to teach him a lesson. Dati akong sundalo – hindi naman ito ang unang pagkakataon na lalaban ako nang sugatan. Huminga ako nang malalim. Naabutan pa kami ng traffic sa EDSA. Halos mapamura ako nang marating namin ng driver ko ang ospital. Iniwan ko ang tungkod sa sasakyan. Bumaba ako at naglakad. Paikot-ikot ang mga mata ko – hinahanap ang lalaking kumuha sa buhay ko. Agad kong namataan ang mga tao ko na papalapit sa akin.

“Boss, sa may emergency room.” Wika sa akin ng tao ko. Sumunod ako sa kanila. Hindi naman nagtagal ay nakita ko si Higgins na nakatayo malapit sa pinto ng emergency room at nagpapalakad-lakad. He looked worried but I didn’t care. I need to know where he hid my wife and afterwards – I’m going to kill him. Papatayin ko siya nang dahan-dahan hanggang sa hindi na niya matiis na siya pa mismo ang hihingi ng sarili niyang katapusan – yes I am that cruel.

Nagtama ang mga paningin namin. He just stood there. Inilang hakbang ko siya at nang makalapit ako ay kinuwelyuhan ko siya. Ibinalya ko siya sa pader. Pinalibutan kami ng mga tao ko.

“Why the hell did you took my wife away, Higgins?! Do you really want to die?” I was hissing. Jethro was just eyeing me. There was something in his eyes that makes me want to punch him more – para bang alalang-alala.

“This is not the time, Hermes.” He whispered. Kumunot ang nook o. What a coward this guy is! Tumatakas siya sa pananagutan niya sa akin! Sa inis ko ay sinuntok ko siya sa mukha. Walang makakakita sa amin dahil tinatakpan kami ng mga tao ko. Ngayon pa lang ay gusto ko na siyang patayin. Sinikmuraan ko siya. I could strangle him now. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi sa akin kung nasaan si Nina. I wanted to kill him already! Naiinip na ako!

“This is not the time for that!” Pinili niya akong itulak palayo sa kanya. I stared at him. Sa isipan ko ay pinapatay ko na siya. Napabuntong-hininga siya. Kinuyom ko naman ang mga palad ko.

“Nasaan si Nina?” Tanong ko. “Saan mo itinago ang asawa ko?” Galit na galit ako. Tiningnan niya lang ako tapos ay bumuntong-hininga na naman. Matapos iyon ay nagyuko siya ng ulo at saka napailing. A moment later, he was sobbing. Napakunot ang noo ko – why the hell is he crying? Is he chickening out? Why the hell is he doing this? Idadaan niya sa iyak ang pagtatanong ko? Kung babae nga hindi ako nadadaan sa iyak – siya pa kaya?

“Hermes, I’m sorry! I was just too desperate to take back what I had lost years ago!” Halos mapahagulgol siya. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Why is he telling me this things? May gusto ba siyang iparating? May nangyari ba kay Nina? Nagsimula akong kabahan. Dahan-dahan akong tumingin sa pinto ng emergency room.

“I didn’t mean too. It wasn’t supposed to be like this…” Higgins sighed. Tiningnan niya ako. Mamula-mula na ang mga mata niya at para bang hindi na makahinga. “B-but she ran… and got hit by…”

“Fuck you!” Sigaw ko. Dinaluhong ko si Jethro. Itinayo ko siya at saka isinandal sa pader. “What happened to, Nina you bastard?!”

“Hindi ko sinadya! She just ran!”

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon