NAPASINGHAP si Ynna nang tumama ang tuhod niya may pinto ng jeep nang pababa na siya. Hindi na niya ininda ang tingin ng mga pasahero, ang iba ay nagpapakita ng concern, hbang impit na nagpipigil namna ng tawa ang ilan.
Hinimas-himas na lang niya ang nasaktang tuhod saka inayos ang salamin sa mata niya, at dire-diretso na siya sa entrance ng St. Anthony University. Napatingin siya sa suot na wrist watch at napangiwi na lang siya nang mapansin niyang late na siya sa usapan ng mga kaibigay niya. Nasa loob kasi ng messenger bag niya ang isang mumurahing cellphone at innilagay niya sa silent mode dahil masyadong mabilis nang malowbat ang battery nito.
She tap her ID in a state of the art student system bago siya sumakay sa loob ng shuttle service na provided ng eskwelahan. Masyado kasing malaki ang university, at kahit na ba anak mayayaman ang mga nag-aaral sa lugar ay may mangilan-ngilan na kagaya niya ang nagkaroon ng full grant scholarship sa eskwelahan.
Pagkaupo ay biniksan niya ang bag at agad na kinuha ang cellphone niya, para lang makita na marami nang miscall galing sa kaibigan niyang si Rizza.
Nagreply siya para lang lumabas na check operator service na ang lumabas. Napakamot siya ng noo, saka napatingin na lang sa labas ng bintana. Siguradong katakot-takot na naman na sermon ang aabutin niya kay Rizza.
Ilang minuto lang ang lumipas nang huminto ang shuttle nila sa designated na stop, sa tapat ng quadrangle kung saan may malawak na track and field na napapalibutan ng mayayabong na puno. Sa ilalim ng mga puno na 'yon ay may bench kung saan madalas na pinagtatambayan ng mga estudyante.
Kaya malayo pa lang siya ay tanaw na niya ang mga pamilyar na bulto ng mga kabarkada niya. Lalo pa niyang binilisan ang lakad at nang malapit na siya ay napansin siya ni Rizza nakapameywang na nakatingin ito sa kanya suot ang kulay yellow, at white na jersey para sa mga varsity scholar ng university.
"Late ka na naman, kala ko ba kay Renz lang uso ang Filipino time?"
"Bakit ako na naman?"
"Wag kang mag-react dyan. Kakarating mo lang din 'uy."
Itinaas ni Renz ang dalawa niyang kamay saka umakto na zi-nipper ang bibig.
"Pasensya na, late na kasi ako nagising," nagreview kasi siya para sa upcoming exams, kaya hindi na niya namalayan na malalim na ang gabi nang maisipan niyang matulog. Not even realizing na may usapan pala sila ng mag kaibigan niya kinabukasan.
"Apology accepted,"
"Wuu, bias!" sikmat ni Renz sa tabi, nang ambaan ito ng suntok ni Rizza ay agad naman itong nagtago sa likuran ni Dan.
Si Cheska lang ang kulang sa kanila dahil sa pagkakaalam niya ay inimbitahan ito sa isang runway sa France. Bigatin talaga ang kaibigan nilang 'yon, but then she fully support her. Madalang na lang na makakita ngayon ng mga taong gusto talagang i-pursue ang passion nito kaysa sa pressure ng mga tao sa paligid.
"Ano nga palang ginagawa mo dito Renz?" nagtatakang tanong niya.
Sa kanila kasi ay ito lang ang naiba ng university dahil hindi nakapasok ang grades nito sa average while most of them got there slot nang makapagtapos na sila ng high school.
"Bakit ayaw mo na kong makita?" nagdrama pa ito sa harap niya, nakatikim tuloy ito ng batok kay Rizza at napailing na lang siya sa kalokohan nito.
"Nakalimutan mo na ba talaga kung ano ang araw ngayon?" tanong sa kanya ni Rizza.
Napatingin lang siya rito, naguguluhan. Araw? Sandali nga lang, kailan nga ba siya huling tumingin sa kalendaryo? Parang 'nung isang araw lang tumingin siya ah, pero ang kulang bulay na circle lang ang pinagtuunan niya ng pansin. Iyon kasi ang araw ng exam sa university, at siya bilang isang academic scholar ay kailan na mag prepare para sa araw na 'yon kung ayaw niyang mawala sa kanya ang full scholarship grant niya.
BINABASA MO ANG
Mistakenly Loving You |Exclusive on Nobelista|
RomanceYnna have the most timid personality, siguro dahil na rin sa paran ng pagpapalaki ng mga magulag niya sa kanya. That all she feel is unwanted, kaya nga para sa kanya kakampi niya ang mga kaibigan niya sa lahat ng oras kahit na ba ayaw ng mga magulan...