A/N:
Hello Lovelies~
Pasensya na sa pagiging MIA these past few days pero magiging regular na rin po ang update nito hehe
As I've mentioned this chapter is dedicated Janedulat thank you talaga sa suporta <3On with the Chapter <3
"WAIT, seriously, nangyari talaga 'yon sa'yo?" taas-kilay na tanong ni Rizza kay Ynna pagkatapos niyang mai-kwento dito ang nangyari sa kanya sa may faculty building.
"Iku-kwento ko ba sa'yo kung hindi 'yong totoo?" aniya saka naitakip ang mga kamay sa mukha saka naisubsob sa may sementong lamesa. Sa totoo lang ay hindi pa rin mai-alis sa isip niya ang mga nangyari kanina.
Hindi man niya kilala 'yunng nakabunggo niya ay umuukilkil sa isip niya ang itsura nito.
"Then? Anong gagawin natin?" umayos siya ng tayo saka tinignan si Rizza, nakataas ang paa nito sa may sementong bench habang kumakain ng mani mula sa maliit na supot ng papel. Kung paano ito nakakabili ng street foods sa kabila ng walang nabibilhan 'non sa loob ng university ay wala siyang ideya.
Mamasa-masa pa ang buhok nito dahil kakatapos lang nito ng praktis, exempted ito sa mga klase dahil na rin sa nalalapit nitong competition, sakto namang lunch break nila kaya nagpangita sila nitoisang linggo na rin kasi niya itong ihindi nakikita pagkatapos nilang makapag celebrate ng debut niya.
Malapit na rin kasi ang midterms nila kaya kahit na nasa loob lang ng campus ang mga kabarkada niya ay hindi niya makita ang mga ito dahil iba-iba sila ng course na pinapasukan, except kay Renz syempre kasi sa ibang school ito nakapasok pero malapit lang din 'yon sa university nila kaya naman nakakalabas-masok din ito roon kapag wala itong klase.
Laglag ang balikat na sinagot niya ito. "Wala."
Kasi iyon naman ang totoo, kaya lang naman siya nag kwento dito kasi iiyon lang ang unang pagkakataon niya na maka encounter ng ganon. He doesn't look like some of students that's studying here.
Iyon siguro 'yung malaking factor kung bakit hindi niya ito magawang makalimutan, pero siguro nga tama 'yung sinabi sa kanya ni Rizza. It's better na wag na lang niyang isipin kung ano man 'yung nangyari, tama, kailangan niyang mag focus sa midterms para hindi mawala sa kanya ang scholarship niya.
Saka siya may naalala, "Nga pala, qualifiers niyo na para sa Sea Games hindi ba?" tanong niya sa katabi. Hindi kasi mahilig mag socialize ang kaibigan niyang 'to pero kilala ang pangalan nito sa buong school bukod pa sa ito ang kauna-unahang varsity na nakapasok sa Philippine team
"Naks, updated ka ah, kala ko hindi mo na ko maalala," nagkunwari pa itong pinapahiran ang ilalim ng mga mata.
"Busy lang ako sa acads, pero hidni ibig sabihin 'non di na kita susuportahan 'no." nakanngiting sabi niya dito.
"Good," mula sa back pack nito ay may kinuha itong envelop. "O, ayan, tinabi kita ng ticket."
Nakangiting tinaggap niya 'yon. "Pupunta ko, by hook or by crook."
Napaiiling ito sa sinabi niya. "Ewan ko naman kasi diyan kina Tito, wala talaga sa lugar 'yung pagiging mahigpit."
"Hayaan mo na, ganon talaga eh," kahit na ba aminado siyang diktado talaga siya ng mga magulang hindi pa rin maalis sa isip niya na baling-araw ay magiging proud din ang mga ito sa kanya.
"Okay sabi mo eh, anyway kumain na tayo, nagrereklamo na ang lahat ng mga alaga ko sa tiyan.
Napailing na lang siya rito saka sabay nilang inilabas ang nnaon nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Mistakenly Loving You |Exclusive on Nobelista|
RomanceYnna have the most timid personality, siguro dahil na rin sa paran ng pagpapalaki ng mga magulag niya sa kanya. That all she feel is unwanted, kaya nga para sa kanya kakampi niya ang mga kaibigan niya sa lahat ng oras kahit na ba ayaw ng mga magulan...