Chapter Two

347 20 6
                                    

A/N: 

2nd chapteeer! 

Thank you sa dalawang first voter ko sa story na to na si

Hulyanah

janedulat (Yes Consistent, thank you sa suporta ulit!)

Then to 

08danna

MaryCrisSarcon

geminig360

RossethDelValle

Byognirhen

Freyavida11

Maraming salamat sa pagbabasa ng Loving My Monster Boss! The next chapters will be dedicated sa mga na mention ko po sa itaas. Again Maraming salamat po! <3 


HUMINGA ng malalim si Ynna saka binuksan ang kalawanging gate ng maliit nilang bahay sa may Sta. Mesa. Isang lumang estilong bahay 'yon na may hagdan na yari sa may semento bago ka makapunta sa mismong main door.

Sa pagkakaalala niya ay namana pa ng Tatay niya ang bahay na 'yon mula sa yumaong tiyuhin at dahil na rin maganda ang lokasyon ng lugar 'don na nila piniling manirahan, kaysa sa naipundar na maliit na lupa ng mga magulang niya sa may Laguna.

Napatingin siya sa suot na wrist watch, alas sais pa lang ng gabi pero ang makikita na lang niyang bukas ang ilaw sa labas at sa may sala. Siguradong inaantay na siya ng mga magulang niya.

Umakyat na siya sa hagdan saka pumasok na sa may pintuan. Katulad ng inaasahan niya ay sumalubong sa kanya ang kanyang ama na nakaupo sa may sofa, mukhang kakatapos lang nito sa trabaho bilang isang government employee sa munisipyo.

Hindi ito nagabalang tumingin sa kanya at diretso lang ang tingin sa luma nilang TV. Luma as in, 'yung may bulk pa sa likod. Dito kasi sa bahay hangga't hidni pa sira, o kaya pa namang ayusin ay hindi pa rin nila papalitan.

"Anong oras na? Bakit ngayon ka lang?" tanong nito sa kanya.

Hindi naman mahigpit ang mga magulang niyya pagdating sa curfew niya, basta masigurado niyang maayos ang grades niya sa eskwelahan. They expect no less from her.

"Nagkita po kami ni Rizza," aniya.

Doon ito tumingin sa kanya, mahahalata ang pagkastrikto sa mukha ng kanyang ama, idagdag pa ang suot ntong antipara isang tingin pa lang ng kahit sino mangingimi na lapitan ito.

"Sinabihan na kita tungkol 'dyan sa mga kaibigan mo hindi ba?"

Gusto niyang mangatwiran, na birthday nga niya ngayon at ang gusto lang namn niya ay makasama ang mga ito. Pero mukhang kahit na ang birthday niya ay nakalimutan na ng mga ito samantalang noong isang linggo lang siya nagtanong kung ano ang gagawin sa debut niya. Hindi naman siya umasa, pero nakakasama lang siguro ng loob na walang balak ang mga ito na mag celebrate para sa kanya.

Napatingin siya sa may lamesa sa kusina, ilang metro lang ang layo sa kanya, at wala siyang nakitang nakahain na kahit na nao sa lamesa.

Tinanggap na lang niyang nakalimutan na ng mga magulang niya ang birthday niya. Ilang taon na nga ba simula nang i-celebrate niya 'yon kasama ang mga magulang? Hindi na nga yata niya maalala.

Mistakenly Loving You  |Exclusive on Nobelista|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon