Chapter 5

83 2 0
                                    

First of all gusto ko lng po magsorry dahil sa very very slow update. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong busy ako kasi naman more than a month akong di ako nakapag update may mga free time naman ako siyempre, pero minsan kasi tinatamad ako hehehe sensya na, atska isa pa hindi ko alam kung ano ang isusulat ko pero actually natapos ko na ang storyang to pero sa utak ko nga lang basta nakatatak na kung ano ang mangyayari dito mahirap nga lang i-elaborate.

So, eto na enjoy reading po. Short lang to kaya pasensya ulit babawi na lang ako next time. ^ ^

-------

Quen's POV

Nagdaan pa ang mga araw at mas naging close pa kami. Marami na kaming alam sa bawat isa. Yung tipong mas close na talaga kayong dalawa na iisipin ng iba eh magboyfriend at girlfriend kayo. And lately may nararamdama akong kakaiba sa tuwing kasama ko siya and natatakot ako sa posibleng kalalabasan neto knowing Kath may boyfriend na siya at alam kong mahal na mahl niya yun kasi puro na lang pangalang DJ ang lumalabas sa bibig niya, katulad na lang ngayon

"Tapos Quen, alam mo ba na si Dj ang first love ko at nakakatuwa lang isipin na siya ang aking first love tapos at the same time boyfriend ko rin siya." Sabi pa niya habang kinikilig tss +_+

"Ano ba yan Kath, kanina ka pa dj ng dj eh. Nakakarindi na sa tenga pakinggan." Sabi ko na naiinis kasi naman eh, simula nung napagusapan namin yang boyfriend niya sa mall wala na siyang ibang bukambibig kundi puro dj. Nakakabanas

"Puro ka na lang Dj alam ko namang mas gwapo at mas hot ako sa kanya noh kahit di mo pa sanihin alam ko namang yun din ang tingin mo." Dugtong ko pa na ikinapula niya

"Alam mo ikaw, ang hangin mo rin eh noh? Dati hindi ka naman ganyan ka sobra pero ngayon to the highest level na. Hahahahaha." Sabay halakhak niya ng bonggang-bongga. Ano namang masama sa sinabi ko? Eh sa nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"Tsss. Sige pagtawanan mo pa ako. Alam mo bang endangered na ngayon ang mag ganitong klaseng mukha? Kung meron man mga bakla naman sila. Kaya pasalamat ka kasi nandito pa ako. Hahahaha." Ngayon ako naman ang tumawa ng malakas. Hahaha saan ka ngayon Kath

"Tse. Tumigil ka na nga. Ano bang nakain mo at naging mahangin ka na? Alam mo mas mabuti pa si Dj ang humble niya." Ano ba yan bakit nasali na naman yang Dj na yan sa usapan namin at ang mas malala pa dun is kinompare niya ako sa boyfriend niyang yun tss -_-.

"Oh, natahimik ka ata?

"Wala. By the way sasama ka ba sa outing namin nila Julia?" Pag-iiba ko na lang ng topic para hindi na mapasali pa sa usapan namin yang boyfriend niya

"Kailan? Kayo lang ba dalawa?" Tanong niya na parang gulat na gulat.

"Eh ano naman sayo, kung kami lang dalawa?" Hahaha sarap niyang pagtripan, namimilog ang mata niya sa gulat, as if naman may gagawin kaming masama ni Julia pag kami lang dalawa ang nandun.

"Ano?!?! Kayo lng dalawa?. Ang bait bait kaya ni Julia at hindi ako papayag na ibibigay niya ang pagkababae niya sayo, ang manyak mo pa naman." Tssss, ano ba yan. Ang dumi ng iniisip niya. Anong akala niya sa akin???? -________-

"Kasama namin yung iba naming kabarkada pero matagal pa naman yun. Siguro mga next next week pa, sinabi ko lang ng maaga sayo."

"Talaga?! Next next week rin kasi uuwi si Dj eh. Baka pwede ko siyang isama?" Aish. Ano ba naman yan iniba ko na nga ang topic para di na namin mapagusapan yang boyfriend niya tapos ngayon.... haaay

"Ikaw bahala." Walang ganang sagot ko sa kanya tsk. Malas talaga

"Talaga?! Yes thank you Quen" Tuwang tuwa pang sabi niya na parang bata.

"Oh, saan ka na pupunta?"

"Uuwi na ako."

"Uy di mo mn lang ba ako ihahatid?"

"Hindi na kaya mo na sarili mo malaki ka na atsaka isa pa pagod na ako."

"Aiissh. Ang sama talaga." Sabi niya at tuluyan na talaga akong umalis.

Sorry Kath as much as i wanted to drive you home pero badtrip ako ngayon baka pag nasa sasakyan na tayo puro Dj nanaman yang sasabihin mo

Haaayyy Quen kung ano man yang nararamdaman mo kailangan mo na talaga itong pigilan. This is not good mas lalo lang akong masasaktan pag tinuloy ko to. Ngayon pa nga lang nasasktan ka na paano pa kaya pag lumalim na to?.. Tsk siguro dapat dumistansiya na ako ky Kath habang maaga pa

******

Advance Merry Christmas guys and also a happy New Year

You're The One (KATHQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon