Isa, dalawa, tatlo
Ako'y nakamasid sa inyo
Sa inyo na masayang nagmamahalan
'Di nyo alam kayo'y may nasasaktan
Apat, lima, anim
Bakit 'di mo 'ko kayang mahalin?
Puro nalang kayo,
Paano naman yung tayo?
Mahal mo ba talaga ako?
O hanggang pang reserba lang talaga ako?
Masakit mang mas nanaig ang KAYO
Wala na akong pake kasi nagising na ako
Napagtanto ko na ang tanga ko
Ang tanga tanga ko
Kasi hinayaan kong habang may TAYO may KAYO
Kaya ayoko na, tapusin na natin 'to

BINABASA MO ANG
Tula
PoetryANG MGA TULA NA INYONG MABABASA AY GAWA GAWA LAMANG NG MALIKOT NA ISIPAN NI NASHA MARIE V. ARTAJO. ANO MANG PAGKAKATULAD SA ALIN MANG PANGYAYARI AY NAGKATAON LAMANG