"U M A A S A"

1 0 0
                                    





Naalala mo pa ba?
Mga pinagsamahan nating dalawa
'Yong mga panahong ikaw at ako
Tayo, 'yong mga panahong may tayo pa
'Yong mga panahong sabay nating
Hinaharap 'yong mga hamon satin ni bathala
Kahit pa nahihirapan na
Kahit na nawawalan na ng pag asa
Lumalaban pa rin kasi alam nating tayo ay para sa isa't isa


Umaasa akong kahit konti
Naalala mo pa ang mga pinagsamahan nating dalawang magkasama
Umaasa akong may natitira pa akong alala-ala diyan sa puso mo
Umaasa akong sana maibabalik ko pa ang kahapon
Ang kahapon na naging dahilan
Ng mga pangyayari ngayon


May babalikan pa ba ako?
Kasi nasa gitna ako ng AASA PA at BIBITIW NA
Alam kong paglisan sayo ay sakit ang idinulot
Alam kong kahit anong gawin ko
Kahit ilang pagpapatawad pa ang hingin ko,
Wala na, hindi na maibabalik ang tayo
Wala nang tayo


Masakit mang isipin pero kailangan na kitang bitiwan at palayain
Parang mawawalan na ako ng bait sa sobra.. sobrang sakit
Pero ano pa bang magagawa ko? Ano pa ba ang magagawa ko kung nasa piling ka na ng ibang tao


Ang pagpapalaya ko sa'yo ay pagpapalaya ko din sa sarili ko
Pagpapalaya sa ibong nakakulong sa hawla ng kahapon
Umaasa ang ibon na sa paglabas niya sa hawla magiging masaya na sya

Sa paglabas niya sa hawla malaya na sya
Iniwan na niya sa hawla ang mga alala
Alala-alang humbog sa kaniya
Ang dating umaasa ngayon ay kontento at masaya na

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon