Sa tuwing papatak ang ulan
Kasabay nito'y pagkawala ng sakit na aking nararamdaman
'Buti pa ang ulan
Laging nandiyan tuwing kailangan ko ng maiiyakan
Ulan ang kadamay ko noong mga panahong nagpapakatanga pa ako sa iyo
Noong mga panahong nabulag ako sa pag ibig ko sayo
Ngunit ulan din ang gumising sa akin sa reyalidad na wala palang tayo
Sa reyalidad na pangpalabas init mo lang pala ako
Sa reyalidad na nabubuhay lang ako pag kailangan mo
Ulan ang nadiyan sa panahon ng kasakitan
Sa lahat ng pait na pinagdaanan
Sa lahat ng mga kasawian ko sa buhay
Salamat kay ulan na tumulong sa aking malagpasan ang aking mga pinagdadaanan
Sana'y naging ulan nalang ako
Ulan na kayang ipakita ang tunay na nararamdaman sa mga tao
Duwag kasi akong tao tinatago ko sa ulan ang tunay na nararamdaman ko
Sana'y naging ulan nalang ako
Na pagkatapos masaktan at umiyak ay may bahagharing lalabas
Bahagharing magpapakita sa maraming tao na sa wakas masaya na ako
Na sa wakas tumila na ang napakalakas na ulan sa buhay ko

BINABASA MO ANG
Tula
PoesíaANG MGA TULA NA INYONG MABABASA AY GAWA GAWA LAMANG NG MALIKOT NA ISIPAN NI NASHA MARIE V. ARTAJO. ANO MANG PAGKAKATULAD SA ALIN MANG PANGYAYARI AY NAGKATAON LAMANG