Sa mga sinabi at sa mga pangakong binatawan mo
Lahat ay pinaniwalaan ko
Lahat ay pinanghawakan ko
Dahil akala ko maayos pa natin to
Alas nuwebe na nang gabi
Nang dumating ka sa tagpuan natin
Hindi ko maintindihan itong nararamdaman
Nalunod sa pag-asa ang aking isipan
Nang ika'y lumapit agad kang hinagkan
Ngunit bakit mo ako tinabig nang walang pag aalinlangan?
Pero sa sinabi mo ako'y mas higit na nasaktan
"Pare, babae talaga ang gusto ko. Jinowa lang kita para pagperahan."
Ang sakit. Sagad hanggang buto
Ano ba ang ginawa ko para gawin mo sa akin ito?
Kung panaginip man ang lahat ng ito
Sana pagkagising ko'y maging babae ako
Sana

BINABASA MO ANG
Tula
PoesiaANG MGA TULA NA INYONG MABABASA AY GAWA GAWA LAMANG NG MALIKOT NA ISIPAN NI NASHA MARIE V. ARTAJO. ANO MANG PAGKAKATULAD SA ALIN MANG PANGYAYARI AY NAGKATAON LAMANG