Chapter 4: Spiritually Drained

360 23 12
                                    

4: Spiritually Drained

[Note: WARNING lang po, baka makapag-trigger lang ng negativity po ang kabanatang ito. Guard your hearts. Pray without ceasing. Don't let your emotions consume you. Maraming salamat. God bless]

NAGSIMULA NA ANG kalbaryo sa araw-araw. Charot! Hanggang ngayon ay nag-a-adjust pa rin ako kasi hindi pa rin nag-a-absorb sa 'kin na isa na akong college student. Tatlong linggo palang ang nakararaan pero pakiramdam ko dalawang buwan na. Hay.

"Now, go to your group." Nagtayuan na ang mga kaklase ko upang hanapin ang kani-kanilang magiging kagrupo pagkasabi pa lang ng prof namin ngayon sa Contemporary World. Last subject namin ngayong araw na 'to kaya medyo nakakahinga na 'ko nang maluwag. It's about survival lang talaga. Ayos na ayos na talaga sa 'kin na mairaos ang lahat ng subject.

Nakatulala pa rin ako. Ayos na ang mga kaklase ko dahil nahanap na ang makakasama ngunit pinagmamasdan ko lamang sila-- nakaupo na sila sa kani-kanilang ka-group. Nagtanong na lang ako sa may kaliwang side ko at ano'ng group number sila. And ayun, I found out na sila nga ang kagrupo ko kaya umupo na 'ko malapit sa kanila.

Pinag-uusapan na ng mga kasama ko ang dapat gawin. Ako, nganga pa rin at walang kontribusyon sa group. Bigla na lang akong natatawa sa isip. Way back senior high, madalas akong leader and may times pa na karamihan sa pinapagawa as group ay ako ang gumagawa. Ngayon, wala na 'kong silbeng kagrupo. This is how fast my evolution. Tinakpan ko na lang ang bibig ko para mapigil ang tawa. Wala na ngang nagagawa, tatawa pa. Kaya tamang pigil na lang.

Kahit pa nais kong tumulong dahil nakapag-advance search din ako ng topics-- binigay kasi iyong topics last meeting. Reporting ang dahilan ng groupings namin. Tahimik na lang akong pinagmamasdan sila dahil ayo'ko na lang mangialam. Nakikita ko na lang na sila'y nag-se-search.

Wala kang silbe ngayong kolehiyo! Tamang asa sa kagrupo ha, Deleesha.

Naalala ko pa rin kasi ang lahat sa nakaraan-- ang lahat ng mga failures ko as a leader. May times pa ngang napapahiya ang group namin kaya tila nagkaroon na 'ko ng phobia sa pagtulong sa groupings. Tama na ang noong senior high.

Salamat naman dahil natapos na ang oras sa last subject. D-in-ismiss na kami ng prof. Exactly 5:30 pm niya kami pinalabas.

Naghintayan lang kami ng mga kasama ko sa labas ng classroom. Nang kumpleto na kami, nagbuwelo kami upang tumakbo papunta sa pilaan ng shuttle. Iyon ang sasakyan papunta sa main campus ng Univ na ito. Doon kasi sa main ako sasakay papunta sa terminal and doon sasakay muli ako papauwi sa 'min.

"Teka lang!" reklamo ko. Masiyado silang mabilis tumakbo. May mabagal bang takbo, ha, Deleesha?

Mula third floor ay kumaripas kami ng takbo upang hindi magabihan. May pagkakataon kasi na hindi agad dumarating ang mga shuttle. Mahaba ang pila kapag in demand talaga ito gaya na lang ng magkakasabay na umuuwi. Kaya pinipilahan talaga ito ng mga estudyante kasi mas nakamumura dito kumpara kapag nagta-tricycle. Nagtitipid pa naman ako kaya tamang tiyaga lang talaga.

Hinihingal ako pagkadating sa pila. Napahawak ako sa may dibdib ko. Pinapakalma ko ang aking sarili. Kinakapos kasi ako ng hininga. Bakit naman kasi napakabilis ng mga kasama ko? Medyo mahaba-haba na rin pala ang pila rito nang pinansin ko na ang mga estudyanteng naghihintay gaya namin. Kapansin-pansin na wala pang shuttle na dumarating. Marahil ay pabyahe pa lang ito. Naubos siguro kanina kasi maraming estudyante ang umuuwi ng ganitong oras.

Nag-cellphone lang ako sandali. Pagkalingon ko lang sa likod ay marami na agad mga estudyante. Kaya hindi masisisi kung bakit kami nagmamadali kanina. Sa estimate ko ay nasa gitna kami ng mahabang pilang ito. Woah. Grabe.

Give me Faith (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon