9: Quiet Time
NANDITO KAMI NG mga kaibigan ko at nakapila para makasakay sa shuttle dito sa University. Medyo malapit-lapit na rin kami niyan sa makasasakay kaya kumuha muna ako ng pamasahe sa bag ko.
"Sa wakas, tapos na lahat ng midterm exam natin," sambit ni Addielle habang unti-unti kaming naglalakad papunta sa shuttle.
"Oo nga. Makahihinga na tayo nang maluwag," sabi ko.
"Tara, kain naman tayo!" pagyayaya ni Jeziell.
"Pagplanuhan natin 'yan. Like after ng first semester," suggestion naman ni Erynne.
"Parang maganda 'yan, a. Isahan," sambit ni Jeziell.
"Sige," pag-agree ni Addielle. "Saan kaya tayo niyan kakain?"
Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil biglang nag-ring ang phone ko; tumatawag si Papa. Tinanong lang niya ako kung kumusta ako at kung pauwi na ba ako, etc. Habang kausap ko siya ay pasakay na kami sa shuttle at pumwesto na. Nang matapos na kaming mag-usap, kinausap ako ni Addielle, "Sasama ka ba sa 'min Deleesha kung sakali?"
"Magkano ba kung sakali?" tanong ko.
"Sa tingin ko, mag-ipon ka na ng mga kulang-kulang 400 pesos. Minsan lang naman iyon. Celebration dahil naka-survive ng first semester."
"Sige, ipon muna ako. May isang buwan at higit pa naman."
Habang bumabyahe kami papuntang main campus, kung saan-saan na naman lumalakbay ang isip ko. Ang naiisip ko ay ang paulit-ulit na lang na mga pangyayari sa buhay ko. Noong bakasyon nga ay hindi ko naranasan mamasyal. Tapos kapag wala namang pasok, nasa bahay lang.
"Siguro ang sinumang kaluluwa ang sasanib sa 'kin at mamumuhay bilang ako, ma-bo-boring talaga siya sa buhay ko. Boring ang life ko e."
"May Diyos ka. Hindi boring buhay mo."
Oh my, nasabi ko 'yong naiisip ko? My gash, Deleesha. Next time nga, 'wag mo nang sasabihin ang nasa isip mo. Ang nega tignan.
"Yes, Addielle. What I mean 'yong routine ko. Laging nasa bahay; hindi ako umaalis."
"Ah. Ako rin naman, nasa bahay lang palagi." Napatango na lang ako sa kanya.
Pero, at least ikaw, nakaka-attend ka ng Sunday service or activities of Christians. Hindi gaya ko.
Sinigurado ko na sa isip ko lang 'yan nasabi. Pumikit na lang ako pagkatapos naming mag-usap. Medyo traffic kaya pikit muna. Ang lahat ng nakikita ko ay purong itim lang dahil nakapikit ako. I feel once again na I'm alone. I'm so vulnerable kapag nag-iisa e. Kaya minulat ko na lang ang mga mata ko at tumingin na lang sa mga puno na dinadaanan. Kung p'wede ko lang bilangin 'yon, e.
Nakaramdam na naman ako ng lungkot na hindi mawari. Rejoice always, self.
I promised that I will not lean on how I feel. I believe even if I feel sad, I can gain strength from You by Your joy. But, Lord, please let me just release this emotions hiding inside of me.
Ang drama-drama ko kasing tao; akala mo naman napakabigat ng pinagdadaanan. Naiisip ko pa ngang putulin ang buhay ko e. Hindi na nga ako marunong lumangoy tapos nilulunod pa 'ko ng kalungkutan?
Bali-baliktarin ko man ang mundo, I feel that I'm not really okay. Maybe I pray but may kulang. Maybe I'm thinking to rejoice always but how? Maybe I have faith but it's too little I think?

BINABASA MO ANG
Give me Faith (Completed)
SpiritualDeleesha is a teenage girl who's suffering with an unexplainable sadness and is easily worried. She is not like other people who have very serious problems because, from her point of view, she believes that the problems she has are just simple and e...