Epilogue

292 25 0
                                    

E P I L O G U E

NAKATAMBAY KAMI NG mga kaibigan ko ngayon sa library. Damang-dama ang lamig na dulot ng air-condition sa aking balat. Although ang uniform namin ay long sleeve, madali akong nilalamig.

Nilibot ko ang aking mga mata sandali. Light ang color ng pader dito. May mga librong naka-display. Sila'y nakaayos ayon sa kung saan kabilang ang bawat libro. May label kung ano'ng courses or subjects. May librarian ding nakabantay. Maya-maya napipindot niya ang bell na ang ibig sabihin ay tumahimik. May mga maiingay rin kasi rito. Pero kasi isang ingay mo lang dito ay mapapatingin sa 'yo lahat dahil tahimik talaga ang atmosphere dito. Kitang-kita ang bawat estudyante na abalang-abala sa kani-kanilang mga ginagawa. It's either nagsasagot gaya namin, nag-ri-review, may nag-la-laptop, at may natutulog naman marahil sumakit na ang ulo sa kakabasa.

May 3 hours kaming vacant ngayon. Ang next subject namin ay ang major. Nakakalat sa mesa ang mga papel, columnar, libro at calculator namin. Ang gulo tignan pero para siyang art. Ni-picture ni Addielle ang mga gamit namin. Natuwa ako sa kanyang ginawa.

Naka-focus kami sa aming kanya-kanyang sinasagutan. Mahirap ma-disturb ang sinuman sa 'min. Kasi isang mali lang sa mga masasagutan, damay na lahat. Like dependent 'yong isang sagot sa panibagong mga tanong.

"Tama ba 'to?"

"Paano 'to?"

"Ganito lang iyan."

"Salamat."

"Patingin nga ng ginawa mo sa number 1."

"Eto oh."

Tulungan kami sa pagsagot. Assignment naman kasi 'to kaya nagagawa naming magtulungan. Pero kapag quizzes kasi at exam, lagi kaming naka-one sit apart. May nakabantay na prof kaya mahirap makakopya.

Ang nais ko ay maka-graduate kaming apat sa tamang panahon.

Nang matapos na ako sa aking sinasagutan, natulog ako sandali. Pinatong ko ang dalawang braso ko sa mesa at natulog na akong nakaupo.

Hinayaan kong mag-narrate ang utak ko habang nagpapahinga.

Two months (August to October) na nga pala ang nakalipas nang ako'y nag-first year college. I can't survive this midterms without the Lord's help and guidance. His grace ang nagpa-survive sa 'kin. Hindi ko nga akalain na mabilis na lumipas ang 2 months. Hindi madali; nahirapan akong mag-adjust. Sabagay, wala naman talagang madali. Grabe lang Siya kumilos. He's faithful.

Kapag spiritually drained, naghihina physically, tapos nagkakasabay pa mga quizzes, group reportings or project na nagpapa-overwhelmed sa utak ko— ang hirap. I feel dying. Sumasabay pa ang sadness na hindi ko mapaliwanag. Para akong nagpupumilit pa na lumangoy kahit nais nang malunod. Prayer talaga ang naging kalakasan ko. Ang byahe ko ay 1 hour and 30 mins everyday kaya laging maagang gumigising at gabi pa 'ko nakakauwi— lagi akong inaatok. Lagi kong nami-miss higaan ko e! Tapos 'yong nasa klase ako, gusto kong matulog kahit nais kong makinig. Kahit gusto na pumikit ng mata ko, tamang mulat pa rin. Pilit kong iniintindi ang discussion, pero wala pa ring pumapasok sa utak. Nakakaloka lang.

Pumapasok sa isip ko na ang bobo ko, ang bagal makapag-pick up, and many more negatives. Kaya ko talaga naiisip 'yan kasi hindi ko agad-agad naiintindihan ang di-ni-discuss. Mabababa ang quizzes ko. Hindi talaga ako ready every quiz. Kakatapos lang ng midterms namin at start na ng finals na ngayon. Ang range lang ng pag-re-review ko ay 1-2 hours lang. Hindi pa 'ko nakapagbabasa nang matino. Tapos 'yong pinag-aralan ng buong midterm/ 2 months, pagkakasiyahin lang ng oras na 'yon.

Minsan naman nag-aaral naman akong mabuti pero bumabagsak pa rin. Babawi na lang kahit ganoon.

Ang drama ko— sobra sa Kanya kasi feeling ko hindi ko kakayanin ang lahat. Inaatake pa 'ko ng sobrang pag-aalala. His Words always reminding me.

I'm not faithful. Pero Siya, hindi Siya nagbabago. Grabe lang. Kahit hindi ako mataas sa mga exams, umaabot ako sa halos kalahati. Sobrang saya ko talaga, promise. May makuha lang akong isang item na hindi sure, tuwang-tuwa ako. 

Ang nakuha kong grades, sa Diyos ang papuri dahil alam na alam ko ang aking mga pagkukulang.

I believe na hindi ako nag-iisa. Kasama ko Siya. Hindi Niya ako dadalhin dito nang nag-iisa. Sa panahon na tila nawawalan na 'ko ng pag-asa, nandiyan Siya upang palalahanan ako. Pinagkakatiwala ko na lang ang lahat sa Kanya. Let His will be done.

All I can say about my journey in midterms as college student is it's about surviving your course. Always strengthen yourself in the Lord. He fights for us; we just need to be still. God is faithful. He never fails. He is always there. He has plan. He has purpose in what's happening. Rejoice always in the Lord.

Kung nahihirapan man ako, mas nahihirapan ang mga magulang ko na nagpapaaral sa 'kin. Laban lang, self. Kakayanin with the Lord.

Huwag mag-base sa feelings, sa promises na lang Niya. Kahit may bumubulong na "hindi mo kakayanin", mas pakinggan pa rin ang sinasabi sa Bible, "I can do all things through Christ who strengthens me".

Of course, do the best and God will do the rest. Faith with works. God first. Believe, and you'll receive. Magpatuloy lang!

Doubts or fears may attack, but always fight it with faith! Maybe hindi magiging madali ang labang kahaharapin pa namin but I believe we are overcomers.  

"Deleesha, gising! Alas-dos na. Pupunta na tayo niyan sa classroom," panggigising sa 'kin ni Addielle.

Napamulat na lang ako sa gulat. Kinusot-kusot ko na lang ang mukha ko dahil dama ko pa rin ang antok. Kinuha ko na ang mga gamit kong nakakalat; ganoon din ang ginagawa ng mga kasama ko.

Dala-dala namin ang kanya-kanyang gamit. Pumunta na kami sa baggage counter para kunin ang mga bag namin. Inayos muna namin ang aming mga gamit bago naglakad papunta na sa classroom.

Thank You for giving me faith, Lord. You are the main reason why I'm still fighting. When the time is right, You will make it happen! Mapaglilingkuran din kita ayon sa desire ko. Kapag na-da-down ako, please, remind me na the moment I accepted You in my life is already an assurance that I'm Yours. You're my best partner in everything, Lord.

_______

I have said these things to you, that in me you may have peace. In the world you will have tribulation. But take heart; I have overcome the world."
~John 16:33
________

Give me Faith (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon