1

186 10 0
                                    

"Thanks Dad!mwahh!"

"Ingat ka po sa pagdadrive"

"I love you!" sabay kindat at finger heart sign sa kanya bago ko isara ang pinto ng kotse.

Naiiling na lang ang Tatay ko sa kabaliwan ko. Sabagay pareho naman kami,sabi nga ng Mom mana ako sa Tatay ko pagdating sa kakulitan at kalokohan.
By the way,ako nga pala si Rakie Zapanta taga Bacoor Cavite,legal age dahil kakadebut ko lang nung May at isang 2nd year College Student ng Don Dominic Academy sa Manila. So yun,okay na?may gusto pa kayong malaman?

"Rakieeeee!!!!"

Tili ng isang friendship ang nagpatigil sa mga pa #AskRakie sa isip ko.

"Jusko naman Vonna!kung makatili ka akala ko may papadating na tren. Buti na lang narealised ko na wala palang riles dito,kakaloka ka!"

Si Vonna ang nalingunan kong tumatawag pala sa akin. Friendship na kami simula pa lang ng pagtuntong ko dito sa DDA.  Anyway,meet Vonna Inosanto,Vonna sa aming mga kaibigan nya at Ramon Von Inosanto naman sa Tatay nya. Yes,opo! beki po ang isa sa dalawang kaibigan ko dito sa campus at yung isa naman ay si....

Rakieee! Vonna!!

Ayun na nga,ayan na nga ang isa pa.

"Malamang bago makarating yan sa atin pasukan na."tukoy ni Vonna kay Hani Sweet Santillan habang papalapit sa amin,isa siya sa bumubuo ng Power Puff Girls dito sa campus. Yan ang tawag ng mga nakakakilala sa amin dito at tanggap at masaya naman kami dun. Cute nga eh!

"Hindi pa tumakbong tanod sa eleksyon kung makabati sa mga nadadaanan nya akala mo politician."kuda pa din ni Vonna.

"Hoy Vonna!nadinig ko yang mga pangbabackstab mo sa akin ha" sabi ng nakalapit ng si Hani sabay yakap at beso sa aming dalawa ni Vonna. Yun naman ang tawag namin sa kanya tama na yung Hani na lang baka kasi pag dinagdag pa namin yung sweet magka diabetes na tong friendship namin.

"Ano ba naman yang outfitan mo Rafie!hindi mo ba alam na andyan yung crush mo" sabay turo sa may bench kung saan nakaupong nagbabasa ang aking "Mahal na Asawa".

Sabay sabay kaming tatlo na dismayadong napatingin sa suot ko ngayon. Black ripped jeans,loose na white tshirt at white sneakers. Ang totoo masyado akong madaming pagod at antok kaya tinamad na kong mag ayos. Mabilisang ligo nga lang ang ginawa ko baka kasi ma late na ko sa klase.

"Tumugtog ka na naman ba kagabi kaya di ka nakapagdecide na bonggahan ang suot mo today?alam mo naman na araw natin ngayon!" dismayado pa ding sabi ni Vonna.

"Araw" kasi namin pag Thursday,ilang subjects lang ang meron kaming pasok kaya after nun madami na kaming time gumala o kahit tumambay lang sa campus para abangan mga jowa ng mga to at ako naman magpacute dito kay "love". Nanghihinayang man na di ko man lang to napaghandaan di ako nawalan ng loob. Ako pa ba? Si Rakie ata to!

"Wait!" Sabay agaw ko ng bag ni Hani.

"Ay wow!snatcher teh?" sabi nya na dinedma ko lang.

"Yown!" Sabay apply ng powder at liptint na nakuha ko sa bag ni Hani.

"Sabi ko na di sayang ang pagkakaibigan natin in times like this eh!I love you Han!sabay gigil kong halik sa pisngi nya.

"Yuck!"maarte nyang react sa paghalik ko sa kanya. Habang tatawa tawa lamang si Vonna.

"Bilisan mo na at baka umalis  na yung lovelife mo ng di mo man lang nadidiskartehan!" bahagyang tulak ni Vonna sa akin.Nagbeso lang ako sa kanila at nilapitan ko na ang Ama ng magiging mga anak ko.

"Hi love!" tabi ko sa kinauupuan nya. Nakita ko pang nagtatawanan ang dalawang supportive kong mga kaibigan habang nakatanaw sa amin sa di kalayuan.

Siyanga pala ang nag iisang lalaking itinatangi ko simula ng pumasok ako dito sa DDA.
Si Paul Jupiter Samañiego ang aking love of my life,ang bida sa lahat ng kantang paborito kong tugtugin. Tall,dark and handsome plus may mga labi pa na parang lagi akong gustong halikan.

"Pwede ba Rakie tigil tigilan mo ko dyan sa mga kalokohan mo ha. At pakipunasan mo yang laway mong patulo na!"

"Ha?"sabay pahid ko sa bibig ko.

"Naku!gaga ka talaga Rakie!!bat ngayon ka pa nagkalat? Wala na kong nagawa kundi tignan na lang ang papalayong future ko.






Bakit kasi hindi ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon