"Oh ano ng nangyare?!ano sabi sayo at bakit biglang nag walk out?!"
At duet pa sila ng sunod sunurin ako ng tanong nitong mga kaibigan ko ha.
"Hulaan ko?nagkalat ka na naman no?" si Hani.
"At ano na naman ang ginawa mong kapalpakan today,gurl?" si Vonna.
Nahihiyang itinuro ko na lang ang namamasa ko pang labi habang pinupunasan ng tissue na inabot kanina ng "asawa" ko sa akin.
"Yuckkkk!" sabay na tili ng dalawa.
Napataas ang kilay ko sa kanilang dalawa "Wow! Thank you ha! maka yuck kayong dalawa eh binibili nga sa Baclaran tong laway ko pangbanyos sa mga may sakit di ko lang binibenta.Eh kasi naman ang gwapo talaga!labi palang ulam na. No worries mahaba pa ang araw,babawi ako. Tara na!pumasok na tayo."
Eksaktong pag upo naming tatlo sa kanya kanya naming seats saka dumating ang Prof namin. Bago ako umupo kanina nagkahulihan pa kami ng tingin ni "Love" kaya naman nakuha ko siyang kindatan bago dumirecho ng upo. Nadinig ko pang naghahagikgikan ang dalawa kong kaibigan kaya nasita tuloy sila ni Prof. Nakita ko pa ang pagsalubong ng mga kilay ni PJ after ko siyang kindatan. "Hmmp! If i know,kinikilig ka din sa akin." naisip ko.
At natapos ang klase ng ganon lang.
"Oh,eh bat mukang pagod na pagod kayong dalawa wala naman kayong ambag kanina sa klase kundi pagtawanan ako."
"Kakaloka ka naman kasi,panay tingin mo kay PJ kulang na lang ibaon nya yung sarili nya sa kinauupuan nya. Damang dama ko yung consciousness nya vaklah ka! sabi ni Vonna.
"Oy,gurl wag ka!panay tingin sa jowa daw nya sabi nya pero pagtanong ni Sir about sa nalearn nya sa lesson kanina,walang kagatol gatol na nasagot nya ng tama ha. Ibah din ang friendship naten talaga. Kakaproud!! mahabang litanya ni Hani.
"Oo nga! Sana all no,Hani?! sabay tawa ng sarcastic ni Vonna kay Hani. Si Hani naman di na yan napipikon,sabi nya nga "you can't have it all!" Alam nya na maganda siya at alam nya din na kinulang siya sa talino. Kaya tanggap nya na yung mga pang ookray namin sa kanya about sa mga natutulog nyang mga brain cells. Ang katwiran nya nakakapasa naman siya at wala daw siyang planong sumali naman sa beauty contest kaya bat nya pa daw iistressin ang sarili nya eh hanggang dun lang kaya ng utak nya. Si Vonna matalino din naman yan. Actually, sa klase namin nangunguna ako,next si PJ my love, tapos si Vonna na.
At dahil popular kami pareho sa school ni PJ at alam din ng mga kaklase ko na "akin lang ang asawa ko" nirerespeto naman nila ang teritoryo ko,ni wala ngang nagbalak mag third wheel sa amin kaya malaya kong nahaharot etong aking mahal. Malimit nga kaming tinutukso ng mga kaklase namin at para sa akin pabor yun pero si PJ? Naku!lalayasan kaming lahat pag kami na ang tampulan ng tukso. Ayaw na ayaw nya ng tinutukso kami. Ayaw na ayaw nya sa akin...Akala nyo ba di ako nahi hurt pag tinatrato nya ko ng ganyan? Noong una sinabihan pa ko nyan ng cheap at walang delikadesa di daw ako makapaghintay na ako ang ligawan. Iyak ako ng iyak noon kay Vonna at Hani. Gustong gusto ko nga siyang sapakin noon pero naisip ko tama din naman siya. Naging sobrang agresibo ko na nga. Matapos nun iniwasan ko na siya kada magsasalubong kami kulang na lang sa halamanan ako dumaan wag ko lang malanghap yung amoy nyang parang baby. Ayokong ipagkanulo na naman kasi ako ng damdamin ko. Isang buwan din ata kaming ganon at ang damuho mukang sumaya matapos ko siyang di na kulitin. Pero may ilang beses ding nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin na parang nagi guilty at napansin din yun nila Vonna at Hani nung minsang nasa canteen kami.
"Naks!mukang effective ang keme iwas mo sa kanya gurl ah" sabi ni Vonna.
"Naku!Nagiguilty lang yan!mantakin mo ba naman na kulang na lang murahin nya tong kaibigan natin sa matitinding inabot nyang salita dyan sa lalaking yan!" si Hani na lumabas ang pagka Women's Desk Officer side.
Nang mapansin kong papalapit na si PJ sa table namin niyaya ko na yung dalawa na pumunta na sa next subject namin. Nabasa ko sa mata at kilos nya na parang gusto nya kong kausapin pero nagdadalawang isip din kaya nung pagtayo naming tatlo bigla na din siyang tumalikod at bumalik sa mga kaibigan nya.
BINABASA MO ANG
Bakit kasi hindi ako?
FanfictionHanggang saan aabot si Rakie sa pagpapacute niya sa nag iisang lalaking bumihag sa rakista nyang puso. Isa na naman pong story ang hatid ng inyong lingkod sa mga kabuwagers natin dyan😂 sana makatulong ako sa pagkamiss ninyo sa kanila. Aja DonKiss! ...