"Love!okay ka lang?!"
Napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko. Kasalukuyan akong nasa paborito kong spot sa school tuwing ganitong iniisip ko si Moreen ng di ko namalayan na lumapit pala ito..
"Anong ginagawa mo dito?!"tanong ko sa kanya.
"Ay wow!di naman ako nainform na nabili mo na pala tong school at mukhang di ako pwede maupo dito." Natatawang sabi nya pero agad din sumeryoso ng tumingin sa akin.
"What?!"inis kong tanong.
"Sabi ko kung okay ka lang?may luha ka oh!"
Napapiksi ako ng maramdaman ko ang mainit nyang palad na dumampi sa pisngi ko ng pahirin nya yung luhang sinasabi nya. Bahagya kong tinabig ang kamay nya at kinuha ang panyo sa likurang bulsa ng pants ko.
"Hindi luha yan!may pumasok lang sigurong kulisap sa mata ko kaya siguro namasa."tanggi ko.
"Yeah,right!sabi mo eh. Sige mauna na ko,akala ko kasi naiyak ka kaya nilapitan na kita. Alam mo naman na ayokong nalulungkot ang baby ko eh!" Pilya nyang sabi sabay kindat.
"Wait!" Nagulat kami pareho hindi lang sa napalakas kong boses kundi na din sa higpit ng pagkakawahak ko sa kamay nya para sana pigilan siya sa pag alis. Parang may pamilyar na kuryente akong naramdaman na kay Moreen ko lang dati nararamdaman tuwing magkayakap kami. Kay Rakie na daliri pa lang ata nahawakan ko para na kong kinuryente ng kung ilang boltahe. Pareho kaming namumula ng binitawan ko ang kamay nya.
"Ikaw naman Love,pipigilan mo lang akong umalis humu hokage ka pa."ngiting nakakalokong sabi niya sa akin.
"Huwag na pala,sige na umalis ka na baka may lakad ka pa."taboy ko sa kanya. Hindi ko man kasi aminin parang nagkakaapekto na sa akin tong babaeng to. Nagulat ako kanina na nasa tabi ko na pala siya habang iniisip yung mga nangyari sa amin ni Moreen 2 yrs ago. Nung dumampi yung mainit nyang palad sa mukha ko at ng mahawakan ko ang kamay nya,iba yung kiliting naramdaman ko. Parang may nagpapartyng mga paru paro sa tiyan ko. Dapat nga sanay na ko sa mga ganoong interactions since mas intimate pa nga ang nangyayari sa amin ni Moreen,pero bat kay Rakie iba yung pakiramdam ko. Ang hirap i-explain pero ang sure ako ang saya at ang gaan sa pakiramdam kahit sa simpleng pagdidikit lang ng mga balat namin.
"Are you sure?okay ka lang talaga ha?Sabagay,kasi kikitain ko pala si Neil ngayon. May ipapakita daw siyang bagong piyesa sa akin."yung pagkakasabi nya na muka namang walang intensyong pagselosin ako pero bakit parang sinuntok yung dibdib ko. Nasa banda din kasi si Neil. Front Man. Vocalist. Na wala sa katangian ko. Maski sa banyo takot akong kumanta at baka magtahulan ang mga aso sa bahay namin. Bigla akong parang nainsecure dahil alam kong hilig ni Rakie ang music while ako basketball kaya wala akong tenga para sa musika at di ako makakasabay sa hilig nya. Eh bakit ba bigla akong nagkainteres sa hilig nya? Bahala pa siya kung ano gusto niyang gawin sa buhay nya!
"Huy!sabi ko aalis na ko at baka naiinip na yun sa Music Room. Doon namin usapang magkikita eh! Maiwan na kita ha..see you around Peej!"paalam nya at dinampot ang bag nyang nakalagay sa batong lamesa.
Tumango lang ako ng magpaalam siya. Inilatag ko ang katawan ko sa bench na kinauupuan naming dalawa right after niyang tumayo. Inilagay ko ang headset sa tenga ko at pumikit. Bring me to life ng Linkin Park ang napili kong patugtugin baka sakaling maalis ang ingay ng puso kong parang sasabog na sa inis...sa selos, actually,di ko maimagine na nakikipagkita siya sa iba bukod sa akin. Akala ko ba ako lang ang gusto nya?may pa love love pa kanina tapos ang kapal ng mukhang sabihin ng harapan sa akin na kikitain nya yung bansot na yun!
"Hayss nakakainis!naiinis kong hinubad ang headset at ibinalibag ito pagkabangon ko mula sa bench.
"Hmmm at kanino ka naman po naiinis Mister ko?"
Marahas kong naiangat ang tingin ng madinig ko ang boses ng babaing nagpapawindang ngayon sa isip at puso ko. Tinignan ko siya ng may pagtatanong. Na bakit bigla siya bumalik?akala ko ba magkikita sila ni Neil?
BINABASA MO ANG
Bakit kasi hindi ako?
FanfictionHanggang saan aabot si Rakie sa pagpapacute niya sa nag iisang lalaking bumihag sa rakista nyang puso. Isa na naman pong story ang hatid ng inyong lingkod sa mga kabuwagers natin dyan😂 sana makatulong ako sa pagkamiss ninyo sa kanila. Aja DonKiss! ...