Aking Binibini

173 5 0
                                    

Ang gabi ay malalim
Buwan ang hari sa dilim
Hangin ay sumisigaw
Alon ay tila umaapaw

Kislap ng bituin
Tila may diin
Nangungusap mga puno sa akin
Malalim ang nais sabihin

Kulungang walang rehas
Posas na mala porselas
Puso ay walang lakas
Sakit na walang lunas

"Uuwi na ako"
Tatlong salita
Dalawang hinuha
Isang tanging hiling

...pangako


Aking BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon