“kumusta ka munting kaibigan” ang sabi ng matandang babae sa isang paru-paro, ngunit ang paru-parong ito ay di pangkaraniwan.
Ito ay may taglay na kakaibang ganda, kulay ginto ang kanyang mga pakpak na kumikinang kasabay ang bawat kumpas ng munting pakpak nito.
“napakaganda” tugon ng matanda sa kanyang nakikita
“alam kong may dala kang magandang balita aking kaibigan” muling saad ng matanda, tila sumagot naman ang paru-paro dahil sa naging kakaibang kumpas ng mga pakpak nito
Napangiti naman ang matandang babae
“mukang dumating na sa wakas ang taong gagawaran ng kakaibang istoryang may piling tagapakinig” di maitatago ang kakaibang saya ng matanda sa kanyang nalaman.
“nawa’y maging daan na ito upang sya ay ma….”
Naputol ang usapan ng matanda at ng paru-paro dahil biglang humangin ng malakas, senyales ng may presensyang nakapasok sa loob ng bahay ng matanda.
“nandyan na ang ating bisita kaibigan” sabi ng matanda sa paru-paro at dahan dahang naglakad papunta sa tanggapan ng bisita ng kanyang bahay.
…
3rd person POV
“hala, baka pagalitan ako ng mommy ko” sabi ng bata sa kanyang sarili at lalabas na sana sa bahay na kanyang pinasukan ngunit paglingon nya sa pinto, biglang nawala ang kanina lamang na pintong nakabukas na kanyang pinasukan.Tanging takot lamang ang nararamdaman ng bata sa kanyang kinalalagyan,
“mommy” mahinang tawag ng bata sa kanyang nanay,
Kahit imposibleng maririnig sya ng kanyang ina ay paulit-ulit pa din nyang binibigkas ang salitang pantawag nya sa kanyang ina.Namumuo na din ang mga luha sa mata ng takot na bata.
Nagpalinga linga sya sa paligid, umaasang may makikita sya sa bahay na madilim.Pag pikit ng kanyang mga mata ay kasabay ng pagpatak ng luha na tumulo sa luma at sira sirang sahig.
Sa di malamang dahilan ay biglang humangin ng malakas dahilan ng lalong pagpikit ng bata,
“mommy” tanging nasambit ng kawawang bata.
Ng wala ng nararamdaman pang hangin ang bata ay naglakas loob syang buksan ang kanyang mga mata.
Ang kanina lamang na madilim at nakakatakot na bahay ay nag iba.
Isa na itong maaliwalas na bahay na puno ng mga lumang dekorasyon.
Pagtataka, iyan ang maaaninag mo sa mukha ng bata.
“magandang hapon aking munting bisita” salita na nagpalingon kay Gabby.
tila nalunok ng bata ang kanyang dila dahil hindi manlang ito makaimik..
upang mabawasan ang takot at pagtataka ng bata ay ginawaran ng matandang babae ng isang matamis na ngiti ang bata. Dahilan upang mapanatag ang munting musmos..
dahan dahang nilapitan ng matanda ang bata at hinimas ang malambot na buhok nito.
“kay gwapong bata”winika nito kay Gabby
“tara dito maupo ka,”dahan dahang inalalayan ng matanda ang bata paupo sa isang silya.
Pinunasan din nya ang mga luhang pumatak sa mamula mulang pisngi nito.“dyan ka lang ha, kukuha ako ng makakain mo, nakasisiguro akong nagutom ka sa iyong pag iyak” malambing at malumanay na sabi ng matanda kay Gabby
Napatango naman ang bata, tila nakampante na si Gabby sa matanda dahil wala na ang kanyang takot.
Nawala ng ilang saglit ang matanda at sa pagbalik nito may dala syang matatamis na pagkain na nagustuhan ng bata.
“Masarap ba?” tanong ng matanda
Muli na namang napatango ang bata sa tanong sa kanya
“ano ang iyong pangalan?” muling tanong ng matanda
“ako po si Gabby” magalang na naging sagot ng bata na ikinatuwa ng matanda
“ikinagagalak kitang makilala Gabby” ngumiti naman ang bata sa naging tugon ng matanda.
“tawaging mo na lamang akong lola,” dugtong ng matanda.
“mahilig ka ba sa mga kuwento” pag iibang tanong nito
“opo lola” naging sagot ng bata
Ngumiti naman ang matanda at tumayo sa kanyang kinauupuan at tinungo ang isang lumang estante. Pagharap nya sa bata, may hawak na syang libro na tila niluma na ng panahon sa matagal na pagkakatago nito.
Ang libro ay may nakaukit na balahibo at mga ibong tila lumilipad sa harapang parte nito.
“Iho, may mga bagay na mahirap ipaliwanag, at ang tanging panahon lamang ang makakapag bigay ng kasagutan sa iyong mga tanong” litanya ng matanda na nakapag pakunot ng noo ng matanda.
Dahil sa naging reaksyon ng bata natawa naman si Lola dahil nalimutan nyang bata nga pala ang kanyang kausap..
“o sya, gusto mo bang kwentuhan na kita” tanong ng matanda kay Gabby.
“Sige po lola” nakangiting sagot ng bata sa kanyang bagong lola.
Dahan dahang pinagpagan ng matanda ang libro, at pasimpleng ngumiti “ito na ang panahong iyong hinihintay, ang malaman ng mundo ang iyong kwento” wika nito sa kanyang isip.Binuklat nya ang unang pahina.
“Noong unang panahon….”
----
Comment pls.
♛
BINABASA MO ANG
Aking Binibini
FanfictionMay mga bagay na mahirap paniwalaan at tanging panahon lamang ang susi sa iyong kasagutan.