Ikatlong Kabanata

135 3 0
                                    

Noong unang panahon, ang lahat ay naaayon sa tamang kaayusan.

May mga nilalang din tayong nakakasalamuha na sa unang tingin ay tila kauri natin, ngunit dyan tayo nagkakamali.

May mga nilalang na ating nakikita sa araw-araw na mahirap paniwalaan ang kanilang pinag mulan.

Nag aanyong tao at kumikilos ayon sa gawain ng isang normal na tao.

Sila ay nagtataglay ng kakaibang kakayahan at tungkulin

Sila ay tinatawag na Anghel na panlupa.

Hindi sila nakatira sa lupa kundi dito sila nakatalaga upang gampanan ang kani-kanilang sinumpaang tungkulin.

Ang Anghel na panlupa ay may tatlong uri:

Una, ang Anghel ng kapanganakan, sila ang inatasang magbantay at mangalaga sa mga bagong silang na sanggol, sila rin ay kilala sa tawag na "Guardian Angels". Bawat isa sa mundo ay isinilang na may nakatalagang "Guardian Angel" at sa edad na lima ng bata ay iniiwan na nila ito at magkakaroon muli sila ng bagong misyon sa ibang bagong silang na sanggol. Hindi sila nakikita, sila rin ay may pinakamababang uri.

Pangalawa, Anghel na tagagabay sa buhay, sila ay may kakayahang magkatawang-tao upang makisalamuha, may kakayahan silang mag palit-palit ng anyo at hindi sila maaaring makialam sa buhay ng tao o imaniobra ito, ang tanging misyon nila sa lupa ay magsilbi lamang gabay sa taong kanilang binabantayan.

Ikatlo ang huling uri ng Anghel na panlupa ay ang Anghel ng kamatayan, sila ang mga anghel na ang misyon ay may kinalaman sa katapusan ng buhay ng tao. Sila ang tagasundo ng mga kaluluwa ng mga yumao. Tinatawag din silang Kamatayan dahil sa kanilang sinumpaang misyon, tulad ng Anghel ng buhay kaya din nilang magkatawang-tao ngunit sa iisa lamang na anyo. Misyon nilang ihatid ang sinundo nilang kaluluwa sa huling destinasyon ng mga ito.

Ang Anghel ng kapanganakan at Anghel ng buhay ay may pagkakahawig ang misyon dahil tungkulin nilang gabayan at protektahan ang mga binabantayan nila. Sila rin ay may makikintab at kaaya-ayang puting pakpak, taliwas sa kulay ng pakpak ng Anghel ng kamatayan. Sila ay may itim na pakpak simbolo ng katapusan.

Maaaring sila ay may kakaibang misyon at kakaibang anyo kumpara sa dalawang uri ng anghel. Sila din ay madalas katakutan dahil sa serbisyong kanilang binibigay. Lingid sa kaalaman ng lahat sila rin ay may mabubuting puso tulad ng naunang dalawang klasipikasyon ng anghel. Gayon pa man, iba pa rin ang tingin sa kanila lalo na sa pananaw ng tao, marahil dahil ang tungkulin ng anghel na ito ay tungkol sa kamatayan.

Walang sino man ang nais umalis ngunit bawat isa at bawat bagay sa mundo ay may nakatakdang katapusan, iba-iba man ang paraan ngunit ang hangganan ay iisa lamang. Bawat isa ay may ginintuang orasan na patuloy na umiikot habang sila ay nabubuhay at sa oras na huminto ito at di na muling gumalaw ay senyales na tapos na ang kanilang gawain sa mundo.

Ang konsepto ng kamatayan ay maaaring isa sa pinaka nakakatakot at nakakalungkot ngunit ito ay isang normal lamang na proseso upang muling mabuhay at gawaran ng panibagong gintong orasan.

-----//-----

"lola, meron din po ba akong guardian angel nung baby pa po ako?" maligayang tanong ng bata

"oo naman apo, at ginabayan ka nyang mabuti dahil mahal ka nya" tugon ng matanda

"lola, tuloy mo na po ang kwento" nakangiting hiling ng bata sa kanyang kausap na matanda

Di naman binigo ng matanda ang bata at inilipat muli ang pahina ng lumang libro...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aking BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon