Unang Kabanata

146 4 0
                                    

“hoy Gabby, gusto mo ba kaming maging friends” tanong ng isang batang pinakamalaki sa grupo, tila ito ang kanilang leader kunno.

Ngiti naman ang sumilay sa labi ng batang nag ngangalang Gabby, matapos marinig ang winika ng batang tumawag sa kanya.

oo, gusto ko kayong maging friends”  tugon ni Gabby

Sa kabilang banda tila may binabalak ang grupo ng batang tumawag sa kanya.

talaga lang ha” mahinang sabi nito sapat lang upang marinig ng kanyang mga katabi.

Iniabot ng isang bata ang bola sa kamay ng batang leader, “kung ganon, kunin mo ito” at inihagis ang bola sa isang lumang bahay.

Ang bahay na pinaghagisan ng bola ay tila isang abandonadong lumang bahay, nakakatakot ang itsura nito, tila ni sinuman ay hinding hindi papasok dito dahil sa ayos nito.

Si Gabby naman ay tila binalutan ng takot sa kanyang buong katawan.
Ano ang aasahan mo sa batang pitong taong gulang, kahit na ang mga nakakatanda ay iniiwasan ang bahay na iyon.

duwag ka pala eh” Sabi ng batang leader.

Sinigundahan naman ito ng kanyang mga kasama.

pagnakuha mo ang bola sa loob, magiging kaibigan ka na namin,” hamon ng batang leader habang may malawak na ngiti sa kanyang labi.

Si Gabby ay bagong salta lamang sa lugar na iyon, dahil na rin sa trabaho ng kanyang mga magulang ay madalas silang magpalipat lipat ng bahay.

Isa na rin ito sa dahilan kung bakit wala syang kaibigan at madalas nabubully sa school na kanyang pinapasukan.

Nag isip-isip si Gabby, at walang anu-ano, humakbang na ang kanyang paa patungo sa direksyon ng bahay na nakakatakot, ngunit di maikakailang sya pa din ay natatakot.

Dahan dahan si Gabby sa paglalakad papasok sa bakuran ng bahay.
Natanaw nya ang bola malapit sa pinto ng bahay kaya tinungo nya ito.

Napulot na nya ang bola “I have friends now” winika nito sa kanyang sarili.

Paalis na sana sya ng napansin nyang bahagyang nakabukas ang pinto.
Dala na rin ng kuryosidad ng bata, pinasok nya ang bahay..





Ang istoryang matagal ng nakatago ay muling mabubuksan…”







-----
Comment pls.

Aking BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon