Chapter 3: With Him

5 1 0
                                    

NEXT MORNING

Adrianne's POV

"Adrianne, wake up already. Someone's waiting for you" Narinig kong sabi ni Kuya kaya agad akong bumangon at lumabas ng konti para makita kung sino yun.

Sh*t nga pala! Ang t*nga-t*nga ko.

Agad akong naligo at nagbihis ng aking uniform at bumaba na partida wala pa akong suklay at konti make up.

"Mukha kang bruha" Natatawa nyang sabi.

"Nagmamadali syempre" Sabi ko kay Raiden at di na nag-abala pang kumain. Dumiretso na ako sa sasakyan nya at dun na nagsuklay and everything.

-----

Nang makarating kami ng locker namin agad na cinorner kami nung tatlo.

"Saan kayo nagpunta kahapon?" Elijah.

"Bakit di nyo kami inintay?" Camila.

"Kayo na ba?" Nathan. Agad akong inubo at nilapitan ako ni Raiden.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nya.

"O-oo" Sabi ko.

"Sa tanong ni Elijah kung saan kami nagpunta, nagpunta lang naman kami sa malayo at tahimik na lugar" Sabi ni Raiden.

"Sa tanong naman ni Camila na bakit di namin kayo inintay, kasi gusto naming mapag-isa" Sabi ko naman.

"At sa tanong naman ni Nathan na kung kami ba, hindi kami. At kung iniisip nyo na may ginawa kaming masama kahapon, please 'wag nyo nang ituloy kasi wala kaming balak gawin nyan, okay?" Sabi ni Raiden at umalis na, sinundan ko nalang din sya. Hay nako.

Camila's POV

"Masyado ba tayong obvious?" Tanong ko.

"Nakaka-gm naman kasi yung sagot nila" Katwiran ni Nathan.

"Ang tanong, ano ba talagang ginawa nila?" Nalilitong tanong ni Elijah.

"Ang gulo rin naman kasing kausap nila!" Kamot ulon kong sabi at pumunta na sa classroom.

-----

Kanina ko pa talagang pansin 'to palagi nalang magkasama sina Adrianne at Raiden. Ano bang meron sa kanila?!

"Still waiting for the real answer" Bored na sabi ni Elijah habang nakatingin dun sa dalwa na kulang nalang ay mamatay sa katatawa.

"Ano ba kasing meron sa kanila?!" Inis na sabi ni Nathan. Kahit ako, itatanong ko rin yan.

Dahil hindi ko rin mawari kung anong meron sa kanila, di na ako nagdalwang isip na pumunta dun sa pwesto nila.

"Tapatin nyo nga akong dalwa, kayo ba?" Tanong ko na ikinatawa nila.

"H-hoy, ano ba!" Irita kong sabi.

"Wala naman kasing kami, ano ba yang iniisip mo. Kung kami man, sasabihin naman namin yun sa inyo" Sabi ni Adrianne na halata mong nagpipigil ng tawa.

Hindi nagtagal ay nagbell na rin kaya bumalik na kami sa room habang si Adrianne as usual mag-uuli na naman sya.

Adrianne's POV

Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon